PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sukdulan, Korean movies, humahataw sa VivaMax

Direk Mac Alejandre, masaya sa consistent Top 10 rating ng Sukdulan sa VivaMax
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2021
Consistent sa Top 10 Content rating sa VivaMax ang mga pelikulang Sukdulan, na pinagbidahan ni Katya Santos noong 2003, at ang mga Korean movies na Recalled at Mission: Possible

Natuwa ang direktor na si Mac Alejandre nang malaman nitong hindi nawawala sa listahan ng Top 10 Content ng VivaMax streaming site ang Sukdulan, ang 18-year-old launching movie ni Katya Santos.

Sukdulan

Si Alejandre ang direktor ng Sukdulan at ikinagulat niya ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong January 29, 2003.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wow! Nakakatuwa naman. Siguro dahil medyo kakaiba at affecting ang istorya na may resonance pa rin hanggang ngayon.

“Siguro dahil kakaiba ang mga love scenes. Siguro dahil mahuhusay ang mga artista may dating pa rin ang kanilang pagganap.

"Siguro may iba pang dahilan na hindi ko pa maisip pero it is nice to know that Sukdulan still has an audience after so many years,” ang sagot ni Alejandre nang hingin namin ang reaksyon niya tungkol sa kakaibang atensyon na ipinakita ng publiko sa Sukdulan.

Hindi lamang ang Sukdulan ang pumukaw sa interes ng mga tao dahil tinatangkilik din nila sa VivaMax ang Korean movies na Recalled at Mission: Possible.

Isang mystery-thriller ang Recalled at tungkol sa babaeng nawalan ng memorya dahil sa aksidente pero nakakakita ng mga nakapangingilabot na pangitain ang kuwento ng pelikula.

Recalled

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang popular Korean stars na sina Seo Yea-ji (It’s Okay to Not be Okay) at Kim Kang-woo ang mga bida sa Recalled na certified blockbuster sa unang araw ng release nito sa mga sinehan sa South Korea noong April 2021.

Panglima na ang puwesto ng Recalled sa lahat ng Korean films na inilabas ngayong 2021 dahil meron na itong box-office gross na US$2.61 million at 327, 117 admissions.

Action-comedy naman ang Mission: Possible na tinatampukan nina Lee Sun-bin (Squad 38, Missing 9, Criminal Minds) at Kim Young-kwang (Good Doctor, Runway Cop, Hot Young Blood).

Mission: Possible

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa isang rookie secret agent na nag-iimbestiga ng kaso ng gun smuggling sa South Korea pero siya ang naging suspect ang plot ng Mission: Possible.

Halaw sa Mission: Impossible series ni Bruce Geller ang Mission: Possible na isang linggong number one sa box office nang ipalabas sa mga sinehan sa South Korea noong February 2021. Currently, umabot na sa US$3.64 million ang box-office gross at meron nang 446,135 admissions ang Mission: Possible.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Consistent sa Top 10 Content rating sa VivaMax ang mga pelikulang Sukdulan, na pinagbidahan ni Katya Santos noong 2003, at ang mga Korean movies na Recalled at Mission: Possible
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results