PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino, tahimik ang pag-iyak sa libing ni PNoy

P-Noy, kauna-unahang former PH president na ipina-cremate ang bangkay
by Jojo Gabinete
Published Jun 26, 2021
Tahimik lang ang pag-iyak ni Kris Aquino habang inilalagay ang mga labi ng kanyang mahal na kapatid na si PNoy sa nitso nito sa Manila Memorial Park, Paranaque City.

Ganap na 1:43 ng hapon nang ipasok ni Kris Aquino sa loob ng nitso ang urn na naglalaman ng abo ng kanyang kapatid, si former Philippine President Benigno Simeon "Noynoy" Aquino na pumanaw sa edad na 61 noong June 24, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Bago ipinasok ni Kris sa nitso ang urn ni PNoy, isa-isa muna itong niyakap ng kanilang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky at Viel, at ang madamdaming tagpong ito ay nagpaluha sa mga nanood ng live coverage ng PTV-4.

Kahanga-hanga ang funeral rites at military honors na iginawad sa dating pangulo na inilibing ngayong hapon sa tabi ng puntod sa Manila Memorial Park, Parañaque City ng kanyang mga magulang, sina ex-President Cory Aquino at former Senator Benigno Aquino, Jr.

Nagmarka sa isip ng mga sumubaybay sa paglilibing kay PNoy ang pagsaludo ng pamangkin niyang si Bimby Yap nang basbasan nito ng holy water ang urn ng kanyang pumanaw na tiyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga naulilang kapatid ni PNoy, si Kris ang iyak nang iyak habang pinagmamasdan niya ang paglalagay ng lapida sa nitso ng kanilang nag-iisang kapatid na lalake.

Tahimik ang pag-iyak ni Kris—taliwas sa ulat ng isang female reporter na humahagulgol nang iyak ang television host-actress.

Tatlong beses na binigyan si PNoy ng water salute ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection.

Una, nang lumabas mula sa Ateneo de Manila University sa Quezon City ang funeral convoy matapos ang banal na misa sa Church of the Gesù.

Pangalawa, habang papasok sa loob ng Manila Memorial Park ang funeral convoy, at pangatlo, bago nagsimula ang huling pagbabasbas ng mga pari sa abo ng sumakabilang-buhay na dating namuno sa bansa.

Sa kasaysayan ng mga pangulo ng Pilipinas, si Aquino ang kauna-unahang former president na ipina-cremate ang bangkay.

At dahil sa coronavirus pandemic, mahigpit na ipinatupad sa burol ng abo ni PNoy ang health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng mga facemask, face shield at physical distancing, na hindi natupad nang abangan ng mga tao ang pagdaan ng funeral convoy mula sa Ateneo de Manila University hanggang sa Manila Memorial Park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tahimik lang ang pag-iyak ni Kris Aquino habang inilalagay ang mga labi ng kanyang mahal na kapatid na si PNoy sa nitso nito sa Manila Memorial Park, Paranaque City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results