Ang 27-year-old Filipino-American fashion designer na si Kataluna Enriquez ang kauna-unahang transgender woman na nanalo bilang Miss Nevada.
Siya ang magiging opisyal na kinatawan ng State of Nevada sa 70th Miss USA na magaganap sa Oklahoma, USA, sa November 29, 2021.
Kung papalaring magwagi si Kataluna sa Miss USA 2021, siya ang ipadadala ng USA bilang official representative sa 70th Miss Universe na posibleng idaos sa Costa Rica sa December 2021.
Ipinagbunyi ng Pinoy pageant fans ang tagumpay ni Kataluna, na nagmula ang pamilya sa Angeles, Pampanga, pero lumaki siya sa Los Angeles, California.
Hindi baguhan si Kataluna sa pagsali sa mga gay beauty pageant.
Siya ang representative ng Amerika sa 2nd Super Sireyna Worldwide ng Eat Bulaga! na ginanap sa Broadway Centrum, Quezon City, noong May 19, 2018.

Bago sumali si Kataluna sa 2nd Super Sireyna Worldwide noong May 2018, lumahok muna siya bilang delegate ng USA sa Miss International Queen, ang international beauty pageant para sa transgender women, na nangyari noong March 9, 2018 sa Pattaya, Thailand.

Hindi pinalad si Kataluna na magkaroon ng puwesto sa 2nd Super Sireyna Worldwide at Miss International Queen 2018, pero hindi siya nawalan ng pag-asa.
Nagbunga ang mga pagsisikap at paghihintay ni Kataluna sa tamang panahon na nagkaroon ng magandang kapalit dahil mas mataas na karangalan ang nakalaan para sa kanya—ang Miss Nevada 2021 crown and title.
Ginanap ang coronation night ng Miss Nevada 2021 sa South Point Casino & Spa sa Las Vegas, Nevada, nitong Linggo ng gabi, June 27 (Lunes ng umaga, June 28 sa Pilipinas).
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.