PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Duterte dares Pacquiao to expose corruption

Duterte, aaraw-arawin daw ang pagsasabing sinungaling si Pacquiao.
by Jojo Gabinete
Published Jun 29, 2021
President Rodrigo Duterte (right) to Senator Manny Pacquiao: "Wala ka naman sinabi all these years, puro ka praises nang praises sa akin. Tapos ngayon, sabihin mo corrupt? Saang corruption, anong opisina? Kasi pagkaalam ko, wala…"
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram

Nagbanta si President Rodrigo Duterte na ibubulgar niyang sinungaling si Senator Manny Pacquiao kapag hindi napatunayan ng Filipino boxing champ ang pahayag nitong dalawa o tatlong beses na higit na matindi ang kaso ng corruption sa ilalim ng administrasyong Duterte

Sa kanyang pre-recorded weekly public address na ipinalabas sa telebisyon kagabi, June 28, hinamon ni Duterte si Pacquiao na pangalanan ang mga tauhan at opisina sa kanyang administrasyon na sangkot sa corruption.

Kapag hindi raw ito nangyari, ang Pangulo umano mismo ang mangangampanyang huwag iboto ang Pambansang Kamao sa susunod na eleksiyon.

Nangangarap si Pacquiao na maging pangulo ng bansa sa eleksyon sa May 2022.

Patutsada ni Pangulong Duterte: “Kagaya ni Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt. So I am challenging him, ituro mong opisina na corrupt and ako na ang bahala.

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, sinasabing mong two times kaming corrupt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ilista mo yung mga tao at opisina, at dapat ilista mo ngayon at ibigay mo sa akin."

Sinabi rin ni Duterte na naunahan na niya si Pacquiao sa pagpapaalis ng mga corrupt sa kanyang administrasyon.

“Di ba, ang sabi ko noon, if you come to know that there is a corruption, let me know. Ganoon ang dapat ginawa mo.

"Wala ka naman sinabi all these years, puro ka praises nang praises sa akin. Tapos ngayon, sabihin mo corrupt?

“Saang corruption, anong opisina? Kasi pagkaalam ko, wala…

"DPWH noon was really had the notoriety, pero wala akong nakita ngayon na may corrupt.

"Meron, marami na, pero napaalis na. Naunahan na kita."

PACQUIAO'S EARLY CAMPAIGN PROMISE

Kinuwestyon din ni Duterte ang early campaign promise ni Pacquiao na bibigyan nito ng bahay ang lahat ng mga Pilipinong walang tahanan kung mananalong pangulo ng bansa ang Filipino boxing champ.

Saad ng Pangulo, “Every administration will have its share of the problem of corruption.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Do not ever think that if you win as a president na wala nang corruption dito sa Pilipinas.

"And if you dream of giving everybody houses in six years' time, just like what Senator [Juan Ponce] Enrile said, good luck na lang.

“You must be dreaming. Baka ikaw, may alam ka, because you’re talking just nonchalant about whole thing. Kung hindi, namumulitika ka lang.”

Sa huli, inulit ni Duterte ang bantang aaraw-arawin niya ang paglalantad na sinungaling si Pacquiao kapag hindi nito napatunayan ang mga alegasyong corruption laban sa kanyang administrasyon.

“If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty.

"Do it because, if not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar.'

"At saka madali parang carabao na kung saan yung bibirahin, pupunta doon.

“I am not questioning your ability intellectually or what, but pag hindi mo nagawa ‘yan, araw-arawin kita. I will expose you as a liar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At yung buhay mo, kilala man kita noon pa. Then you should start also because you are running for public office, presidency, everybody should know.

"But I’ll put you on notice na isasabi ko lahat at kakalabanin kita [sa] panahon ng eleksyon.

"Kapag hindi, you’ll just be another son of a bitch in politics," sabi ni Duterte kay Pacquiao.

Wala pang sagot si Pacquiao sa banta ni Duterte laban sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte (right) to Senator Manny Pacquiao: "Wala ka naman sinabi all these years, puro ka praises nang praises sa akin. Tapos ngayon, sabihin mo corrupt? Saang corruption, anong opisina? Kasi pagkaalam ko, wala…"
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results