PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas nakaranas ulit mag-perform with live audience

Ai-Ai delas Alas nanibago sa live performance niya sa New York
by Jojo Gabinete
Published Jul 3, 2021
Naranasang muli ni Ai-Ai delas Alas na mag-perform nang live sa pamamagitan ng show niya sa New York City nitong Biyernes ng gabi, July 2.
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Humihingi ng paumanhin si Ai-Ai delas Alas sa mga kababayan nating pumila at nabasa ng ulan pero hindi pinapasok sa kanyang show sa New York City dahil ipinagbabawal ang SRO crowd.

Ang Dhaven Queens sa Woodside, New York City ang venue ng Ai’m Back, ang unang live show ni Ai-Ai ngayong 2021, na naganap noong Biyernes ng gabi, July 2 (Sabado ng umaga, July 3, sa Pilipinas).

Nanibago si Ai-Ai dahil ngayon lamang niya uli naranasang magkaroon ng live performance buhat nang maging malaking problema ng buong mundo ang coronavirus pandemic.

Normal na normal na ang sitwasyon sa New York dahil hindi na gumagamit ng face mask ang karamihan. Matagal na ring nagbukas ang mga bar at restaurant tulad ng Dhaven Queens.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“January 2021 pa sila nabakunahan, pero sa audience participation sa show ko, nagsuot ako ng face shield.

"Biniro ko silang negative ako kaya kapag nag-positive ako, hinawaan nila ako," kuwento ni Ai-Ai, na fully vaccinated na ng Pfizer vaccine.

Patuloy niya, "Mahaba ang audience participation dahil punumpuno ng audience kaya super pasasalamat ko sa lahat ng mga nanood.

"Sobrang na-miss ko ang mag-perform sa harap ng live audience. Hindi ko naramdaman ang pagod. Pero nawalan ako ng boses dahil sa dami ng mga kinanta ko.

"Na-miss din nilang manood ng mga live show," sabi ni Ai-Ai tungkol sa successful show niya sa New York City.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan, lumipad si Ai-Ai sa Amerika noong May 27 para asikasuhin ang ilang personal na bagay.

Wala sa plano na tatanggap siya ng show sa U.S., pero hindi niya natanggihan ang alok na mag-perform sa New York para sa mga kababayan natin.

Ayon kay Ai-Ai, “Wala talaga sa plano ko na mag-show sa Amerika. Hindi ko alam ang dadatnan ko sa U.S.

"Akala ko mas mahigpit sila, pero normal na normal na pala ang sitwasyon dito.

"June 7 lang kami nag-usap ng producer ng show pero punumpuno ng tao ang venue. Grabe, magic nga.

"E, wala akong dalang mga damit na pang-show kaya bumili ako sa Santee, yun ang parang Divisoria sa California. Pero magaganda ang mga costume na nabili ko.

"Yung costume ko sa opening number ng show, medyo malaki.

"Ikinuwento ko sa audience ang biglaang show kaya nang magpa-picture sila sa akin, inabutan nila ako ng mga pera, pambili ko raw ng hikaw!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa niya, “Sinubukan ko lang talagang magkaroon ng isang show sa U.S. Tiningnan ko lang kung paano ba ang mag-show uli dahil sobrang miss na nga ng mga taong lumabas.

"May mga offer sa aking mag-show sa San Francisco, Oregon, Manhattan, at Maryland pero hindi ko tinanggap.

"Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas dahil malapit na ang birthday ko at nami-miss ko na si Sailor," pagtukoy niya sa kanyang pet dog.

"Saka hanggang July 10 lang ang bakasyon na ibinigay sa akin ng GMA-7."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naranasang muli ni Ai-Ai delas Alas na mag-perform nang live sa pamamagitan ng show niya sa New York City nitong Biyernes ng gabi, July 2.
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results