Rhen Escaño aminadong napansin dahil sa kanyang pagpapaseksi sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jul 7, 2021
Rhen Escaño: "Nung ginawa ko yung Adan at saka yung Untrue, dun ko na-realize na kailangan ko palang maging matapang talaga para ma-realize ko kung ano talaga yung kaya kong gawin."
PHOTO/S: Viva Films

Hindi ang The Other Wife ng Viva Films ang unang pagkakataong nagkasama sa isang proyekto sina Lovi Poe at Rhen Escaño dahil naging magkatrabaho na sila noon sa mga teleserye.

Struggling actress si Rhen nang una silang magkasama ni Lovi sa Season 4 ng Lipgloss ng TV5 noong 2009.

Nasundan ito ng Legacy, ang 2012 drama series ng Kapuso Network.

Baguhan pa lamang noon si Rhen kaya hindi siya masyadong nagmarka sa isip ng televiewers.

Nag-umpisa ang pagsigla ng kanyang acting acreer nang magpaseksi siya sa Adan at Untrue.

Noong March 2021, nagsalita si Rhen na baka hindi na maulit ang mga daring scene na ginawa niya sa Adan at Untrue dahil sa kanyang kagustuhang ituon ang atensiyon sa seryoso na pag-arte.

Hindi nangyari ang plano ni Rhen dahil matitindi pa rin ang kanyang mga sexy scene sa The Other Wife. Pero nagtagumpay siyang ipakita sa pelikula nila nina Lovi at Joem Bascon ang talent niya sa heavy drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatunayan din ni Rhen ang malakas na rehistro nito sa harap ng kamera dahil magandang-maganda siya sa lahat ng mga eksena niya.

Sa recent mediacon ng The Other Wife, nagpakatotoo si Rhen dahil inamin niyang ang pagpapaseksi sa kanyang mga nakaraang pelikula ang dahilan kaya napansin siya ng mga tao.

“Noon una talaga, na-feel ko na kailangan ko lumabas sa box, kasi for how many years, wala talagang nangyayari sa akin. Hindi ako naggo-grow.

“So, nung ginawa ko yung Adan at saka yung Untrue, dun ko na-realize na kailangan ko palang maging matapang talaga para ma-realize ko kung ano talaga yung kaya kong gawin,” sabi ni Rhen.

Nanindigan si Rhen na importante sa kuwento ng pelikula ang mga paghuhubad at pagpapaseksi niya sa harap ng kamera.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño: "Nung ginawa ko yung Adan at saka yung Untrue, dun ko na-realize na kailangan ko palang maging matapang talaga para ma-realize ko kung ano talaga yung kaya kong gawin."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results