PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga, wala nang tampo sa amang si Cesar Montano?

Mag-amang Diego Loyzaga at Cesar Montano, nagkaayos noong Father's Day?
by Jojo Gabinete
Published Jul 10, 2021
Tila natuldukan na ang tampo ni Diego Loyzaga (left) nang magkita at magkaayos na sila ng kanyang amang si Cesar Montano noong nakaraang Father's Day, June 20.

Ang sinabi ni Diego Loyzaga tungkol sa kanyang amang si Cesar Montano ang pahiwatig na totoo ang mga haka-hakang may problema sila sa kanilang relasyon.

“I miss my Dad. It’s been awhile since we’ve talked. I hope to see him soon so we can let bygones be bygones,” ang pahayag ni Diego sa interbyu sa kanya sa recent presscon ng Encounter, ang drama series ng TV5 na pinagbibidahan nila ni Cristine Reyes.

Nagmalisya ang mga tao na may di pagkakaunawaan ang mag-ama nang ipagdiwang ni Diego ang 26th birthday niya noong May 21, 2021.

Nagpasalamat si Diego sa nanay nitong si Teresa Loyzaga, at sa mga half-sisters at former stepmom niyang si Sunshine Cruz.

Hindi kasama si Cesar sa mga pinasalamatan ni Diego kaya ramdam na ramdam ng publiko na may tampo siya sa kanyang ama.

Pero noong Father’s Day, June 20, nag-post si Diego sa kanyang Twitter story ng litrato nila ni Cesar na isang indikasyon na wala na ang tampo niya at handa na siya na magkaroon sila ng reconciliation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Cristine at Diego ang magkasamang nakapanayam sa PEP Spotlight, at nang tanungin ang aktor tungkol sa kanyang unforgettable encounter, ang pagkikita nila ni Cesar noong 13 years old pa lamang siya ang ibinahagi niya.

Pagbalik-tanaw niya, “When I was younger, when I met my dad, when I first met him the first time. I was thirteen years old.

“I remember that day, meron pa siyang restaurant sa Scout area [Bellissimo Ristorante, ang Italian restaurant ni Cesar sa Sct. Castor, Quezon City na matagal nang nagsara]. Spitting image talaga, sobrang magkamukha kami.”

Siguradong nakarating na kay Cesar ang kagustuhan ni Diego na magkausap sila. Ang pagkikita ng mag-ama ang hinihintay ng mga sumusubaybay sa kanilang “ love-hate” relationship para matuldukan na ito.

Incidentally, simula ngayong Sabado, July 10, mapapanood ang Encounter sa bagong timeslot nito na 9:00 pm at mag-uumpisa sa July 23 ang streaming sa VivaMax ng Philippine adaptation ng popular Korean drama series.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Read More Stories About
Diego Loyzaga, Cesar Montano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila natuldukan na ang tampo ni Diego Loyzaga (left) nang magkita at magkaayos na sila ng kanyang amang si Cesar Montano noong nakaraang Father's Day, June 20.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results