Naturopathy practitioner na ang former sexy actress na si Patricia Javier dahil nagtapos siya ng naturopathy course at naganap kahapon, July 9, ang graduation ceremony nila ng kanyang mga kaklase sa isang hotel sa Pasay City.

Ang naturopathy (na kilala rin bilang naturopathic medicine o natural medicine) ang alternatibong sistema ng paggagamot, base sa paniniwalang may innate healing ability ang ating mga katawan.
Tinuturuan ng naturopathy practitioners na gumamit ng natural therapies, ehersisyo, pagkain nang wasto at pagbabago ng lifestyle ang mga pasyente nila.
Kasabay ni Patricia na nag-aral ng naturopathy ang chiropractor husband niyang si Dr. Rob Walcher na nag-udyok sa kanya na pag-aralan ang naturang kurso para sa kanilang mga wellness clinic at para makatulong din sa mga nangangailangan.

“I was encouraged by my husband and Director General Annabelle Pabiona-De Guzman of PITAHC [Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care] to study naturopathy since we are advocates of health and wellness.
“Nag-aral ako ng naturopathy para matutunan at lalong maintindihan ko ang natural na paraan na pag-aalaga sa ating mga katawan at para matulungan ko ang ating mga kababayan.
“Kapag naituro ko sa kanila ang healthy way of living, magkakaroon tayo ng pamilya at community na masaya.
“Two-year course talaga ang naturopathy, pero dahil sa pandemic, maaga kaming natapos.
"Online ang pagpapadala sa amin ng modules at once a week lang ang face-to-face class namin,” kuwento ni Patricia na meron nang sapat na kaalaman sa paggamit ng medicinal at herbal plants na nakapagpapagaling ng mga karamdaman.
Kasama sa plano ni Patricia at ng kanyang asawa na idagdag ang naturopathy sa kanilang wellness and chiropractic clinic para tuluyan na itong maging one-stop wellness center.
Inaasikaso na ngayon ni Patricia ang mga kailangang requirement para magkaroon na siya ng lisensya bilang naturopathy practitioner.
Sa pagkakaalam ni Patricia, dalawang daan lamang ang bilang ng licensed naturopathy practitioners sa buong Pilipinas, kaya pinag-aral din niya ng naturopathy ang kanyang mga kapatid, pamangkin at ang mga chiropractor ng mga wellness clinic nila ng asawa niya.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.