PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VivaMax, maagap sa mga namimirata ng Silab

Handa na rin sila sa mga mamimirata ng iba pang VivaMax movies.
by Jojo Gabinete
Published Jul 11, 2021
Silab poster
Pinirata agad ang VivaMax movie na Silab dahil sa mga maiinit nitong eksena.
PHOTO/S: VivaMax

Nag-umpisa noong Biyernes, July 9, ang streaming sa VivaMax ng Silab, ang sexy drama movie ni Jason Abalos at ng newcomers na sina Cloe Bareto at Marco Gomez.

Mabilis ang mga magnanakaw ng pelikula dahil napirata agad nila ang sizzling love scenes.

Pero higit na maagap ang tauhan ng VivaMax dahil naipatanggal agad nila sa mga social media platform ang pirated clips ng Silab.

Ang Silab ang isa sa mga bagong content na mapapanood sa VivaMax ngayong July 2021.

Nauna na ang streaming noong July 2 ng Gluta, ang pelikula na pinagbibidahan ni Ella Cruz at tungkol ang kuwento nito sa ethnic pride na nagpapatunay na walang pinipili na kulay ang pagmamahal at ang kaligayahan.

Nakatakda naman sa July 16 ang streaming sa VivaMax ng The Other Wife, ang erotic thriller movie na mahigpit din na babantayan para hindi makopya ng mga pirata ang mga maiinit at mapapangahas na love scenes nina Lovi Poe, Joem Bascon, at Rhen Escano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susundan ang The Other Wife ng Nerisa, ang sexy drama na pinangungunahan nina Cindy Miranda, AJ Raval, Sean De Guzman, Sheree, at Aljur Abrenica na mapapanood sa VivaMax simula sa July 30.

Matindi ang pagbabantay na gagawin sa Nerisa dahil sa sizzling scenes na matakaw sa mga mata ng mga pirata na nagbebenta sa social media ng pirated films sa halagang P400 na mas mahal pa sa P149 monthly VivaMax subscription payment.

Napapanood na rin sa VivaMax ang Mañanita, Pandanggo sa Hukay, ang multi-awarded film na Edward, at ang mga Star Cinema movie na Barcelona: A Love Untold, My Ex and Whys, My Perfect You, Vince and Kath and James, at One More Chance.

Para sa K-drama fans, nag-umpisa na ang streaming sa VivaMax ng Taxi Driver noong July 8 samantalang sa July 15 ang streaming ng Diva.

Ang Korean actor na si Lee Je-hoon ang bida sa Taxi Driver, ang pinag-uusapan na crime-drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Tungkol sa dating miyembro ng special forces na nawalan ng ina dahil sa isang krimen ang kuwento ng Taxi Driver.

Nagtrabaho ang karakter ni Lee Je-hoon bilang driver ng Rainbow Taxi, ang taxicab company na cover-up ng The Bluebird Foundation.

Ang Bluebird Foundation naman ang secret organization na tumutulong sa mga tao na naghahanap ng katarungan dahil binigo sila ng justice system kaya hindi nakatanggap ng patas na laban.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diving champion na nasa bingit ng pagkabaliw ang role ni Shin Min-a sa Diva, ang mystery thriller na may airdate sa July 15, 2021.

Diva

Ang Diva ang unang movie project ni Shin Min-a makalipas ang anim na taon na pamamahinga mula sa paggawa ng pelikula.

Pinuri ng Korean film critics ang pagganap ni Shin Min-a sa Diva at tumanggap siya ng best actress nomination mula sa 2020 Blue Dragon Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa ipinamalas na performance, pruweba ang kanyang nomination na hindi nawala ang husay niya sa pag-arte sa kabila ng matagal na paghinto sa moviemaking business.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinirata agad ang VivaMax movie na Silab dahil sa mga maiinit nitong eksena.
PHOTO/S: VivaMax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results