PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, tagos sa puso ang mensahe para sa ABS-CBN supporters

Vice Ganda, may madamdaming mensahe sa loyal supporters ng Kapamilya Network
by Jojo Gabinete
Published Jul 11, 2021
Sa paggunita ng unang anibersaryo ng franchise rejection at shutdown ng ABS-CBN, naghayag si Vice Ganda na kanyang madamdaming mensahe para sa mga loyal supporters ng Kapamilya network

Kabilang si Vice Ganda sa mga Kapamilya star na lumahok sa pasasalamat ng ABS-CBN na live na naganap ngayong Linggo ng tanghali, July 11, sa ASAP Natin ‘To.

Ipinarating ng ABS-CBN management ang pasasalamat sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanilang network, isang araw matapos gunitain kahapon, July 10, ang unang anibersaryo ng pagpapasara sa Kapamilya station.

Bago kinanta ni Vice ang sariling version niya ng "Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa," nag-monologue muna siya tungkol sa kanyang paniniwala na nilapastangan ang ABS-CBN nang hindi ito pagkalooban ng franchise kaya nagkawatak-watak ang mga empleyado at artista ng Kapamilya Network.

“Isang taon na ang nakalipas matapos ka nilang lapastanganin, kumusta ka na ba, mahal kong ABS-CBN?” ang malungkot na umpisa ng monologue ni Vice.

“Nakita ko kung paano ka nila sinaktan, kung paano ka nila isinubsob at patuloy na sinisipa habang nakayuko at nakadapa.

“Sa araw na ito, hayaan mong alayan kita ng isang awitin na naisulat ko habang binabalik-balikan ko ang nagdaang isang taon na dumanas ka ng labis na sakit at ngayon ay hinihilom ng pagmamahal at pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pasintabi kay Ice Seguerra at sa sumulat ng kantang 'Ano'ng Nangyari sa Ating Dalawa,' dahil bahagya ko pong pinalitan ang mga titik ng awitin. Ito ang liham ko sa’yo, mahal kong Kapamilya.”

Ang "Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa" ang 2013 hit song ni Ice Seguerra ang inawit ni Vice pero pinalitan niya ang lyrics nito para umakma sa kasalukuyan na sitwasyon ng ABS-CBN.

Ikaw ang pinangarap, ikaw ang hanap-hanap ngunit bakit nagbago ang lahat

Liwanag na iyong taglay parang naging salat

Pangako habang buhay pangakong di magwawalay

Kahit lumamig kanilang pagmamahal

Pagbangon mo at paglipad aking idarasal

Anumang mangyari sa ating dalawa

Simula pa noon tayo ay iisa

Hindi kita iiwan hanggang sa huling laban

Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Anumang mangyari sa ating dalawa

Pagmamahal sa’yo’y hindi mag-iiba

Damdamin ay nasasaktan, puso’y nasusugatan

Pangako mong pagmamahal aking susuklian

Sa hirap at ginhawa

Sumpa ko’y sasamahan ka

Kahit ikaw ngayo’y nasasaktan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngiti ng iyong tagumpay ay muling makakamtan

Anuman mangyari sa ating dalawa

Simula pa noon tayo ay iisa

Hindi kita iiwan hanggang sa huling laban

Sa pagsubok sa ating pagmamahalan.

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa paggunita ng unang anibersaryo ng franchise rejection at shutdown ng ABS-CBN, naghayag si Vice Ganda na kanyang madamdaming mensahe para sa mga loyal supporters ng Kapamilya network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results