StarStruck alumnus Abdul Raman humihingi ng financial help para sa inang na-stroke

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2021
Abdul Raman on mom Joyettes Geronimo Santos who suffered a stroke: "Ang sakit po, knowing my mom will never be the same. Nasa ICU siya and, as of now, hindi pa siya conscious. All my life, I’ve wanted her to have a taste of raos man lang sa buhay, kasi po that woman has suffered so much already even before I was born.”
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram

Bukod sa paghingi ng financial help mula sa mga taong may mabubuting kalooban, kasama sa plano ni StarStruck Season 7 finalist Abdul Raman na ibenta ang mga sapatos niya para madagdagan ang perang kailangang-kailangang pambayad sa hospital bills ng kanyang 44-year-old mother na si Joyettes Geronimo Santos.

Walang malay hanggang ngayon si Joyettes dahil sa stroke na nangyari sa kanya noong July 12, 2021.

Nasa lock-in taping si Abdul ng Legal Wives ng GMA-7 nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa kanyang 11-year-old brother na nagbalita tungkol sa nangyari sa kanilang ina.

“Ngayon ko lang po naranasang mag-alala at umiyak nang sobra since I was kid,” pahayag ng 18-year-old Kapuso artist sa pakikipag-usap niya sa Cabinet Files ngayong Miyerkules ng umaga, July 14.

“According to my relatives, she wasn’t responding when they were at Marikina Valley Hospital and, right now, she’s unconscious.

"Ang sakit po, knowing my mom will never be the same. Nasa ICU siya and, as of now, hindi pa siya conscious.

Continue reading below ↓

“All my life, I’ve wanted her to have a taste of raos man lang sa buhay, kasi po that woman has suffered so much already even before I was born.”


Abdul with his mom Joyettes Geronimo Santos and his younger brother

RECONNECTING WITH HIS DAD

Dumanas ng depression si Abdul dahil sa coronavirus pandemic, pero pinilit niyang magpakatatag, alang-alang sa kanyang ina at kapatid.

Continue reading below ↓

Sinimulan daw niya ito sa pamamagitan ng pag-reconnect sa kanyang Egyptian dad.

Lahad ng StarStruck Season 7 alumnus, “During the pandemic, I’ve read philosophies and talked to a really good psychologist friend. She helped me a lot.

“I’ve come to the conclusion that I should fix my life na because I was in deep depression.

I started with my dad, Wadah Eldakroury. He’s in Egypt and I haven’t had any contact with him for five years.

“Out of nowhere, I called him up last month and he was so surprised. I told him about everything that has happened in my life.

"I asked him if he could come back para complete na uli ang pamilya namin, at lalo na para sa little brother ko.”


Continue reading below ↓

Ang mga pagsubok na nararanasan niya ngayon ang dahilan kaya ipinangako ni Abdul sa sariling gagawin nito ang lahat para maging productive at ipagmalaki siya ng kanyang ina kapag nagkaroon na ito ng malay.

Saad niya, “I just need to move forward po. Right now, I’m listing all the names of the donors.

“All I’m thinking about now is how to be productive.

"Before, I always ask my mom if she could teach me how to cook and do the laundry. Pero she always refused, I don’t know why.

“Sabi ko sa kanya, paano kapag wala siya? So ngayon, I’m asking my grandma to teach me to cook and do the laundry.

“Balak ko rin po na i-push ang deal ko with a gym kasi hindi ko po afford kaya nagre-rely lang ako sa mga ex-deal."

Dagdag ni Abdul, “I’ve cleaned all my shoes na balak ko po ibenta para sa hospital bills.

Continue reading below ↓

“I am focusing on being productive. I can’t let negative things happening in my life to hinder me

"At pagbalik po ng mom ko, she will be happy and proud of me."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abdul Raman on mom Joyettes Geronimo Santos who suffered a stroke: "Ang sakit po, knowing my mom will never be the same. Nasa ICU siya and, as of now, hindi pa siya conscious. All my life, I’ve wanted her to have a taste of raos man lang sa buhay, kasi po that woman has suffered so much already even before I was born.”
PHOTO/S: @abdulraman23_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results