Kapuso actress Jaclyn Jose binuweltahan ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay: "Hindi kami basura."

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2021
Jaclyn Jose on director Andoy Ranay taking a swipe at GMA-7: “Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas. Hindi po kami basura."
PHOTO/S: Noel Orsal / Pista ng Pelikulang Pilipino

Hindi nagbanggit ng pangalan ang Cannes 2016 best actress na si Jaclyn Jose, pero hindi maipagkakailang ang direktor na si Andoy Ranay ang tinutukoy niya sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules ng gabi, July 14, 2021.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa. Ang 2013 drama series na Mundo Mo’y Akin ng GMA-7 ang isa sa mga proyektong kanilang pinagsamahan.

Nang gunitain ang unang anibersaryo ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10, nagbigay ng pahayag si Ranay sa panayam sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

Sabi ng direktor, “Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.

Continue reading below ↓

"Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo."

Hindi pinalampas ni Jaclyn ang sinabi ni Ranay kaya nag-post ang aktres sa Instagram ng quote na ito kahapon, July 14:

“I don’t fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me”

Naka-embed ang quote sa larawan ng Hollywood actor na si Brad Pitt na kuha sa isa nitong pelikula.

Sa caption, sinabi ng Kapuso actress na nalulungkot siya dahil ramdam niyang ang GMA-7 ang tinutukoy ni Ranay.

Pahayag ni Jaclyn (published as is): “Ang lungkot lang..mula pagpasok ng crew set up tent? Hanggang sa pagdating ng mga artista at nagkukumahog to be ready?

“Sa set up ng DOP, set designer, huhugot ang mga artista para ready at all times, maayos trabaho, pagod, pero masaya kasi alam namin nakagawa kami ng relevant scene for a day. Pinag-iisipan ng lahat kung ano ba ibibigay per sequence, lahat nagtatrabaho walang hanggang trabaho.

Continue reading below ↓

“Lahat ginawa ko, pinagtrabahuan ko? Pinag-isipan ko, kahit ano pagod ginagawa namin makapagbigay ng maganda programa na hindi (BASURA)."

Kasunod nito ay binanggit ni Jaclyn ang isang director na nagsabing "may franchise nga, basura naman."

Saad niya: “May nagsabi kasi na director na may franchise nga, basura naman.. (I think body of work) wala naman may ibang franchise na halata kundi [GMA] 7

“Lahat ng nasa production from EP to AP to PA to all the members of production hanggang utility, wardrobe on point.

“Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas."

Diin pa ni Jaclyn: "Hindi po kami basura."

Continue reading below ↓

Hinangaan at pinuri si Jaclyn ng followers nito dahil sa kanyang pahayag at pagtatanggol sa GMA-7 at sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Umani naman ng mga batikos si Ranay, na malaki ang naging pakinabang sa GMA-7 dahil sa mga ibinigay sa kanyang proyekto bago siya bumalik sa ABS-CBN bilang direktor ng mga TV series.

Kabilang sa mga naging proyekto ni Ranay sa Kapuso network ay ang First Time (2010), One True Love (2012), Mundo Mo'y Akin (2013), Ang Dalawang Mrs. Real (2014), at More Than Words (2014).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on director Andoy Ranay taking a swipe at GMA-7: “Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas. Hindi po kami basura."
PHOTO/S: Noel Orsal / Pista ng Pelikulang Pilipino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results