Jerald Napoles may butt exposure; itinodo ang steamy love scene nila ni Kim Molina

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2021
Magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina bibida sa Ikaw at Ako at ang Ending, isang pelikulang puno ng aksyon at naglalagablab na love scenes.
PHOTO/S: Ikaw at Ako at ang Ending trailer

Ibang Jerald Napoles at Kim Molina ang mapapanood sa Ikaw at Ako at ang Ending.

Action-drama, hindi comedy, ang kanilang bagong pelikulang may airdate sa VivaMax sa August 13, 2021.

Si Irene Villamor ang direktor at sumulat ng kuwento ng Ikaw at Ako at ang Ending.

Tailor-made ito para sa real-life couple na sunud-sunod ang hit movies mula nang magtambal sila sa Jowable at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Kumportableng-kumportable sina Jerald at Kim sa lock-in shoot ng Ikaw at Ako at ang Ending sa Pagudpud, Ilocos Norte dahil kaibigan nila si Irene, pati ang production staff, kaya parang nagbabakasyon lamang sila.

Naglalagablab ang love scene nina Kim at Jerald, na kapwa walang inhibitions dahil may relasyon sila sa totoong buhay at nagsasama sa iisang tahanan mula nang magkaroon ng pandemya. Walong taon na silang magkarelasyon.

Malakas ang shock factor ng intimate scenes nina Kim at Jerald dahil nasanay ang mga taong nagpapatawa sila sa kanilang mga nakaraang pelikula.

Continue reading below ↓

May butt exposure si Jerald at palaban sila ni Kim sa kanilang mga love scene. Hindi iisipin ng manonood na babae ang direktor dahil barakong-barako ang execution.


DIRECTOR IRENE VILLAMOR: FROM ROMANCE TO DRAMA

Naganap nitong Biyernes ng hapon, July 16, ang virtual media conference ng upcoming movie nina Kim at Jerald, at dito nakapanayam ang direktor ng pelikula na si Irene.

Continue reading below ↓

"Pangarap ko na talagang gumawa ng ganitong pelikula," sabi niya.

Excited siya sa kanyang bagong project na mapangahas at kakaiba sa mga dating ginagawa niyang romance ang genre tulad ng Meet Me In St. Gallen (2019), Sid and Aya: Not A Love Story (2018), at Camp Sawi (2016).

"Gusto ko talagang mag-action. Parang patikim pa lang ito sa akin ng universe, kung ano ang kaya kong gawin sa genre na ‘yon.

"Sobra ko siyang in-embrace, sobra ko siyang mahal. So, parang hindi naman sa babae o sa lalake o sa gender, but it’s more of sa gusto kong ikuwento at gusto ko rin yung energy ng genre."


Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina bibida sa Ikaw at Ako at ang Ending, isang pelikulang puno ng aksyon at naglalagablab na love scenes.
PHOTO/S: Ikaw at Ako at ang Ending trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results