PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari nagkaaberya bago mag-SRO concert

May mga nag-FB Live kasi ng show niya.
by Jojo Gabinete
Published Jul 18, 2021
BB Gandanghari, masaya sa turnout ng first night ng kanyang five-day BB Uncut: Who Killed RP? concert series na ginanap sa Covina, California noong July 17, 2021.

Ang SRO crowd sa show ni BB Gandanghari sa isang restaurant-bar sa Covina, California noong July 17, 2021 ang pruweba na normal na normal na ang pamumuhay ng mga tao sa U.S.

Ito ay kahit na muling tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga residente na hindi pa nababakunahan.

BB Gandanghari

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang suot na facemask ang mga nanood sa one-woman show ni BB, at hindi nasunod ang ipinatutupad na physical distancing.

Pinagbawalan ang audience na huwag kunan ng video ang pagtatanghal ni BB pero may mga taong likas na pasaway dahil Facebook Live at hindi basta recording ang kanilang ginawa na ikina-distract ng controversial Filipino transgender woman.

Magalang na nakiusap si BB na ihinto ng audience ang recording dahil isang private event ang kanyang show.

Tumagal nang tatlong oras ang show ni BB.

Ayon sa mga nanood, naging emosyunal si BB habang kumakanta dahil ramdam na ramdam nila ang mga pinagdaraanan ng dating aktor na si Rustom Padilla.

Nagkaroon ng aberya bago nagsimula ang programa dahil nang dumating si BB sa venue, hindi sinasadyang na-i-lock niya ang sasakyan.

Kinailangan niyang humingi ang tulong sa isang car locksmith service company para mabuksan ang kanyang kotse na naglalaman ng mga damit na gagamitin sa show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari, masaya sa turnout ng first night ng kanyang five-day BB Uncut: Who Killed RP? concert series na ginanap sa Covina, California noong July 17, 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results