Naganap ngayong Linggo ng umaga, July 25, ang virtual graduation ng aktor at Quezon City City District V House Representative na si Alfred Vargas para sa kanyang master’s degree sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (NCPAG).
Maligayang-maligaya si Alfred dahil ang master’s degree ang katuparan ng pangako niya sa kanyang ina, si Atty. Susana “Ching” Vargas, na namayapa noong March 2014 dahil sa kanser.
Sabi ng actor-politician sa Cabinet Files, “May master’s degree na ako and this is a very big deal for me kasi hindi madali.
"Napakalaking challenge pero talagang bawat minuto, bawat segundo ng buhay ko, inilaan ko sa mga importanteng bagay sa buhay ko.
“Finally, after a few years, I’m able to graduate na from UP, and dream ko naman talagang maka-graduate sa University of the Philippines.
“Noong pa-graduate ako sa Ateneo noong 2002, imbes na mag-law school ako, dumiretso ako sa pag-aartista.
“Yung mother ko, lawyer. Medyo bumigat yung loob niya. Medyo nagalit siya sa akin, as in nagkaiyakan pa kami before.
“Pero noong napanood niya ako, lalo na sa Encantadia, sabi niya, 'Sige, okey lang. Basta, kahit hindi ka mag-law school, just promise me you will pursue graduate studies.'"

Patuloy ni Alfred, “Ngayong 2021, this is a promise fulfilled to my mom.
"Ang mommy ko, sa UP siya nag-pre-law, tapos sa Ateneo siya nag-law proper.
"Ako naman, undergrad ko Ateneo, tapos graduate studies ko, sa UP.”
Ayon kay Alfred, napaluha siya sa nangyaring virtual graduation dahil naalaala niya ang kanyang mga pumanaw na magulang.
“Kanina, nang kumakanta na kami ng "UP Naming Mahal," saka nung nanunumpa na ako, medyo emotional ako, naiiyak ako.
“Sabi ko, sayang, super sayang, sana nandito si Mom at saka yung daddy ko. Sana nandito sila, buhay sila para makita ito. Dun ako naiyak, honestly.
“Mag-isa ako dito sa office. Yung mga anak ko nagre-ready sila, meron kaming maliit na graduation party dito sa bahay. Yung mga anak ko, naghanda ng balloons, saka cake.
"Yung feeling ko, I’m proud, at the same time, masayang-masaya. Pero yun lang ang ikinalungkot ko ngayon kasi wala yung nanay ko.
"Siguro kahit virtual graduation siya, hindi naman nawala yung pagka-special niya. Na-miss ko rin yung classmates ko na sana mga katabi ko.
"Pero I’m still very very grateful. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to," pahayag ni Alfred.