Watch Now

Herlene "Hipon Girl" Budol maagang namulat sa mapait na katotohanang di panghabampanahon ang showbiz

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2021
Herlene "Hipon Girl" Budol sa pagkaubos ng inipon niya dahil sa pandemya: “Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa]. Talagang walang-wala. Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami."
PHOTO/S: Screen grab from Toni Talks YouTube

Punumpuno ng pag-asa ang mukha at ang boses ni Herlene Budol, aka Hipon Girl, sa interbyu sa kanya ng Cabinet Files sa Singapore noong July 2019.

Noong panahong iyon ay co-host pa siya ni Willie Revillame sa Wowowin. Naranasan niyang sumakay sa private plane, nakarating sa ibang bansa, at natikmang manirahan ng ilang araw sa isang five-star hotel.

Makalipas lamang ang dalawang taon, ibang-iba ang Herlene noon sa Herlene ngayon na umiiyak at nagpahayag ng matinding panghihinayang sa bagong episode na Toni Talks, ang YouTube channel ni Toni Gonzaga.

Naapektuhan kasi nang husto ng coronavirus pandemic ang pamumuhay nila ng kanyang pamilya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ni Herlene na ang pandemya ang dahilan ng pagkaubos ng P100,000 na inipon niya noong co-host pa siya ng game show ni Willie sa GMA-7.

“Buti nga nag-ipon ako, kung hindi wala, patay na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na’to.

“Hindi alam ng lolo’t lola ko na nag-ipon ako. Tapos, gate pa lang ang napapagawa ko sa bahay namin, hindi man lang pumasok ng bahay.

“Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa]. Talagang walang-wala.

"Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na.

"Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami.

“Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga kasi sa akin lahat umaasa talaga ang pamilya ko.

"Dati pagkain lang, ngayon pati kuryente sa akin," malungkot na lahad ni Herlene.

Dalawang taon pa lamang si Herlene sa entertainment industry, pero naranasan niya agad ang masakit na katotohanang hindi panghabampanahon ang propesyon na kanyang pinasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka.

"Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad.

“Ang hirap, ang hirap din umasa. Naging kampante din kasi po ako, 'Uy, baka sa susunod meron na ako.'

"May kumuha sa akin iba kapag tinanggal ako dito... zero totally."

SHOPPING PRANK

Nagpapasalamat ang dating Wowowin co-host dahil tinuruan siya ni Alex Gonzaga, kapatid ni Toni, na mag-vlog. Pero hanggang ngayon, hindi pa raw niya natatanggap ang kanyang sahod.

Si Herlene ang featured guest sa "Shopping Prank" episode ng YouTube Channel ni Alex noong April 2021 na meron nang 6.5 millon views.

Bentang-benta sa netizens ang pag-iyak niya nang pabayaran sa kanya ang mga pinamili na Gucci bag at sneakers na mahigit sa P100,000 ang halaga.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya pala sobrang iyak mo nung pinrank ka niya?” tanong ni Toni nang banggitin ni Herlene ang kanyang kapatid sa pag-uusap nila.

Seryosong sagot ni Herlene, “Hindi ho. Naiyak po ako dahil sa Gucci talaga. Mas mahal pa po sa bahay namin.

"Kasi yung bahay namin, mura lang, rights lang, tapos wala pang titulo.

"Lolo ko po naghuhulog dati, parang P800 po yata kada buwan, pero matagal na panahon na.

"Parang buong buhay na ng lolo ko naghuhulog na po yun."

Sinisisi ni Herlene ang sarili dahil naging kampante siya.

Saad niya, “Naging kampante din po ako, naging parang mali din po ako. Naging kampante po ako.

“Akala ko may pagkukunan pa ako pagkatapos ng Wowowin, wala po talaga.

"Nahihiya nga po ako kapag may nanghihingi ng tulong sa akin, wala akong maibigay kasi wala din po ako.

"Hindi ko masabi sa kanila na ako nga walang nabibili para sa sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga pagsubok at kahirapang pinagdaraanan sa panahon ng coronavirus pandemic ang nag-udyok kay Herlene para sabihin na gusto niyang magpaampon kay Pinty Gonzaga, ang naturally funny mother nina Toni at Alex.

"Ampunin niyo na kaya ako? Mommy Pinty, baka naman," sambit ni Herlene kay Toni.

“Mabait ang mama mo. Si Alex lang talaga yung nalilito talaga ako.

"Hindi mo alam kung magiging masaya o malungkot sa kanya, pero naging masaya kasi naiuwi ko naman [ang Gucci bag]."

Bilang tulong kay Herlene, idineklara ni Toni na ibibigay niya ang lahat ng kikitain o proceeds ng kanyang interview sa former co-host ng Wowowin na nakararanas ngayon ng kahirapan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene "Hipon Girl" Budol sa pagkaubos ng inipon niya dahil sa pandemya: “Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa]. Talagang walang-wala. Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami."
PHOTO/S: Screen grab from Toni Talks YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results