PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay on importance of family when he contracted skin disease

"Kumbaga, akala ko dati, pera-pera lang... Wala nang pagmamahal."
by Jojo Gabinete
Published Jul 25, 2021
Ate Gay on his rare skin disease: “Nagbabalat yung balat ko mismo, as in pati yung mukha, labi, pati gilagid... Kapag inaalalayan ako ng kapatid ko, nalalaglag yung balat ko. Ang hirap!"
PHOTO/S: Courtesy of Ate Gay

Kabilang ang comedian na si Ate Gay sa mga nagbigay ng testimonya tungkol sa pagkakaroon niya ng mga karamdaman sa panahon ng coronavirus pandemic nang ilunsad ang mWell, ang all-in-one mobile app noong Biyernes, July 23.

Sa kanyang testimonya, binalikan ni Ate Gay ang mga paghihirap na pinagdaanan niya, ang pagkakaroon ng tuberculosis, at ng rare skin disease na toxic epidermal necrolysis.

Ayon sa healthline.com, ang toxic epidermal necrolysis ay isang "rare and serious skin condition." Kadalasan ay adverse reaction ito sa mga gamot gaya ng antivulsants o antibiotics.

Ang pinakasintomas nito ay "severe skin peeling and blistering. The peeling progresses quickly, resulting in large raw areas that may ooze or weep."

Ibinahagi ni Ate Gay ang mga larawan ng katawan niyang sugat-sugat kaya isang tunay na himala ang kanyang paggaling.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ate Gay, “Nagkaroon ako ng maraming sakit kagaya ng TB, sakit sa balat, yung tinatawag na toxic epidermal necrolysis.

“Nagbabalat yung balat ko mismo, as in pati yung mukha, labi, pati gilagid.

"Naranasan ko ‘yan, ang hirap-hirap, kasi grabe yung naranasan ko.

"Sa sampung tao, dalawa lang kami na may ganoon, natutuklap ang balat ko.

"Kapag inaalalayan ako ng kapatid ko, nalalaglag yung balat ko. Ang hirap!"

Ang paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa kanya at ang malaking halaga ng perang kailangan niya sa pagpapagamot ang naging problema ni Ate Gay.

Pero napatunayan niyang hindi lamang salapi ang importante dahil mas mahalaga ang pagmamahal ng pamilya.

Saad ni Ate Gay, "Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng gamot at saan ako kakausap ng doktor.

"Kumbaga, akala ko dati, pera-pera lang. Kapag nagpadala [ng pera], padala na lang. Wala nang pagmamahal.

“Nung nagkasakit ako, dun ko lang naramdaman na mahal pala ako ng mga kapatid ko, pati ng nanay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HEALTH TECHNOLOGY PLATFORM

Nagpapasalamat si Ate Gay dahil sa pamamagitan ng mWell mobile app, hindi na siya mahihirapang humanap ng doktor na mapagtatanungan tungkol sa kanyang mga sakit at ng mga botikang mabibilhan ng mga gamot na kailangan niya.

Kasama ni Ate Gay sina Gabby Concepcion, Pops Fernandez, at Derek Ramsay sa mga nag-endorso sa publiko ng mWell, ang health technology platform na proyekto ng Metro Pacific Health Tech Corporation at subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation na pinamumunuan ng businessman na si Manny V. Pangilinan.

Naniniwala si MVP na malaki ang maitutulong sa mga Pilipino ng digital health care na inlunsad ng kanyang kompanya sa panahong takot ang mga taong pumunta sa ospital para kumonsulta sa mga doktor dahil sa coronavirus pandemic.

Aniya, “Through a collaboration with trusted health experts, mWell will develop an ecosystem to bring integrated digital health care closer to every Filipino, even beyond the pandemic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"mWell will empower every Filipino to be in control of their health with just one app."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay on his rare skin disease: “Nagbabalat yung balat ko mismo, as in pati yung mukha, labi, pati gilagid... Kapag inaalalayan ako ng kapatid ko, nalalaglag yung balat ko. Ang hirap!"
PHOTO/S: Courtesy of Ate Gay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results