PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval walang pakialam sa body shamers

AJ Raval, na-stress sa pagbabayad ng utang ng dating boyfriend.
by Jojo Gabinete
Published Jul 29, 2021
AJ Raval on bashers: "Unang-una, wala silang bilang sa ginagawa ko. Imbes na pansinin ko sila, magpo-focus na lang ako sa mga tao na nagmamahal sa akin."
PHOTO/S: Viva Films

Naranasan ni AJ Raval na maging biktima ng body shaming dahil sa intimate scenes nila ni Diego Loyzaga sa Death of a Girlfriend.

Sa virtual media conference ng Taya ngayong Huwebes, July 29, tinanong ang reaksiyon niya tungkol dito dahil mas matitindi ang mga eksena at paghuhubad na ginawa nila ni Sean de Guzman.

Hindi nagulat si AJ nang marinig nito ang tanong dahil hindi raw siya nagpapaapekto sa mga taong pinipintasan ang kanyang katawan.

“Sa totoo lang po, wala naman akong pakialam sa kanila kasi masaya naman po ako sa ginagawa ko.

“Saka sa body shaming, never ako na nag-body shame. Alam ko pong tingnan yung mga babae.

"For me, wala lang kung may stretch marks, kung may dark areas [sila]. Ganoon po ako mag-isip.

“Hindi ko po inilalagay ang sarili ko sa bashers. Unang-una, wala silang bilang sa ginagawa ko.

"Imbes na pansinin ko sila, magpo-focus na lang ako sa mga tao na nagmamahal sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa online betting o pagtaya ang kuwento ng Taya.

Sa tunay na buhay, hindi pa nasubukan ni AJ na magsugal pero hindi niya napigilan ang sariling magkuwento tungkol sa kanyang ex-boyfriend na nalulong noon sa masamang bisyo.

“Hindi po ako marunong magsugal pero meron akong naging boyfriend na nagsusugal, hanggang sa ako yung na-stress magbayad sa mga utang niya.

“Parang gusto kong isampal sa kanya itong movie na 'to para matuto siya.

“Dahil po sa sugal, nagkabaon-baon siya sa utang. Ako yung na-stress na magbayad.

"Parang gusto kong ipapanood sa kanya itong Taya para matutunan niya na lahat nang sobra, masama,” sabi ni AJ, na hindi na binanggit ang pangalan ng dating karelasyong naging sugapa sa sugal.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on bashers: "Unang-una, wala silang bilang sa ginagawa ko. Imbes na pansinin ko sila, magpo-focus na lang ako sa mga tao na nagmamahal sa akin."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results