Sold-out ang tickets sa unang pagtatanghal noong July 17, 2021 ng BB Uncut Who Killed RP? The Untold Story of Rustom Padilla, ang "one woman" show ni BB Gandanghari sa La Mesa Restaurant & Bar sa Covina, California.
Masayang ibinalita noon ni BB sa kanyang audience na sold-out na rin ang tickets para sa July 31 staging (August 1, Philippine time) ng BB Uncut, pero hindi na ito mangyayari dahil kanselado ang show na ipinagmamalaki niya.

Ang kapatid ni BB na si Raquel ang producer ng show, pero hindi pa siya naglalabas ng opisyal na pahayag tungkol sa tunay na dahilan ng kanselasyon ng BB Uncut.
Nauna nang naglabas ng anunsyo ang management ng La Mesa Restaurant & Bar na kanselado na ang lahat ng mga show ni BB sa July 31, August 14, August 21 at August 28 sa pamamagitan ng isang post sa kanilang official Facebook page.
BB Uncut cancellation
Walang malinaw na paliwanag ang La Mesa management tungkol sa cancellation ng BB Uncut na pinag-usapan dahil pinangalanan ng former actor-turned-transgender woman ang sikat na aktor na nakarelasyon niya noon.
Pinaghandaan at pinaghirapan ni BB ang kanyang series of shows na nakansela kaya tiyak na ikinadismaya niya ang nangyari.
As of presstime, hindi pa rin nagbibigay ng official statement si BB tungkol sa cancellation ng BB Uncut na nagmistulang 'BB Cut' na ngayon, kaya isang malaking dagok ito para sa kanya dahil siya mismo ang nagbalitang sold-out na ang kanyang July 31 show.
“July 31 show is already sold out… I’m thankful and grateful" ang Instagram post ni BB noong July 20 pero hindi na matutuloy kaya nagtatanong ang concerned citizens kung ibabalik ng producer ang pera ng mga bumili ng tickets o itutuloy pa rin ang staging ng BB Uncut sa ibang venue.