Sean de Guzman may potential maging next Coco Martin?

by Jojo Gabinete
Aug 5, 2021
Sobrang flattered si Sean de Guzman na maikumpara kay Coco Martin noong nagsisimula pa lang bilang artista ang sikat na Kapamilya actor. Pero giit ni Sean, "Mas gusto ko ma-build up sa sarili kong pangalan."
PHOTO/S: PEP File

Ang mga bida ng Taya ng Viva Films na sina AJ Raval at Sean de Guzman ang featured guests sa PEP Live ngayong Huwebes nang gabi, Agosto 5.

Ipinakilala si Sean noong January 2021 bilang lead actor ng Anak ng Macho Dancer.

Pero nakita nang husto ng mga executive ng Viva Films ang acting ability niya sa Taya kaya usap-usapang ibi-build up siya bilang "another Coco Martin."

Gaya ni Sean, unang nakilala si Coco sa indie films kung saan nagpakita rin siya ng kanyang hubad na katawan. Kabilang dito ang Masahista (2005), Daybreak (2008), at Serbis.

Ikinatuwa ni Sean ang pagkukumpara sa kanya kay Coco noong nagsisimula pa lamang ang acting profession nito, pero mapagkumbaba ang reaksyon niya tungkol sa balitang narinig.

Nais daw niyang makagawa ng sariling pangalan sa showbiz.

Pahayag ni Sean, "Ang comment ko diyan, sobrang masaya ako na parang bini-build up na parang Coco Martin.

"But for me, si Coco Martin, sobrang galing na aktor, idol ko nga po ‘yan.

Continue reading below ↓

"But para sa akin, mas gusto ko ma-build [up] sa sarili kong pangalan, sarili kong atake kumbaga, pagdating sa pag-arte.

"Parang ganoon po yung nakikita ko sa sarili ko. Ayokong makita ako ng tao na, 'Uy ano ito, another ganyan-ganyan...'

"Pero magaling po si Sir Coco, kaya saludo rin po ako sa aktor na ‘yan.

"Hindi naman sa parang pagmamayabang, parang sa humble side lang po tayo."

Limang taong naghintay si Sean bago nabigyan ng malaking break bilang pangunahing aktor ng Anak ng Macho Dancer.

Pero bidang-bida siya sa Taya dahil nakasentro sa karakter niya ang kuwento ng pelikula.

Sulit na sulit ang matagal na paghihintay ni Sean sa tamang panahon dahil acting piece ang role sa Taya, na ipinagkatiwala sa kanya at naging dahilan para ikumpara siya kay Coco noong baguhan pa ito sa movie industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang flattered si Sean de Guzman na maikumpara kay Coco Martin noong nagsisimula pa lang bilang artista ang sikat na Kapamilya actor. Pero giit ni Sean, "Mas gusto ko ma-build up sa sarili kong pangalan."
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results