PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bekis On The Run not an ordinary gay movie

Christian Bables, pumayag sa torrid at bed scenes kasama si Sean de Guzman.
by Jojo Gabinete
Published Aug 6, 2021
Gumaganap bilang magkapatid sina Diego Loyzaga at Christian Bables sa upcoming movie na Bekis On The Run, kung saan si Kylie Verzosa ang love interest ni Diego at si Sean de Guzman naman ang lover ni Christian.
PHOTO/S: Twitter

Magkapatid ang ginagampanan nina Diego Loyzaga at Christian Bables sa Bekis On The Run, ang bagong drama-comedy movie ng direktor na si Joel Lamangan.

Hindi ordinaryong gay movie ang Bekis On The Run dahil tinatalakay nito ang mga katiwalian sa pamahalaan, ang mga closet gay sa military, at ang mga pro-gay rally na tatak Joel Lamangan.

Si Kylie Verzosa ang love interest ni Diego, at si Sean de Guzman ang gumaganap na karelasyon ni Christian sa pelikula.

Panggulat ang mga eksena nina Christian at Sean dahil sa kanilang mga naglalagablab na love scene.

Maton na maton ang palamurang karakter ni Diego, na carbon copy ng kanyang amang si Cesar Montano sa karamihan ng mga eksena niya.

Maraming beses nang gumanap si Christian na gay sa mga pelikula, pero tanging si Joel ang nakapagkumbinsi sa kanyang gawin ang torrid kissing at bed scenes nila ni Sean.

Nasanay na si Sean na pinaghuhubad sa lahat ng mga proyekto niya mula sa Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Nerisa, Taya, at pati na rito sa Bekis On The Run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muntik nang makatrabaho ni Christian si Joel sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, pero ipinalit sa kanya si Teejay Marquez dahil may conflict noon sa schedule niya.

Si Sean din ang kapareha ni Teejay sa upcoming gay movie ni Joel.

Si Lou Veloso ang adoptive gay mother ni Christian sa Bekis On The Run. Maipagmamalaki ng komedyante ang mapanghamong papel na importante sa kuwento ng pelikula na ipinagkatiwala sa kanya ni Joel.

Malalaki ang mga eksena sa Bekis On The Run kaya walang mag-aakalang inumpisahan at tinapos ni Joel ang shooting sa panahon ng pandemya.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumaganap bilang magkapatid sina Diego Loyzaga at Christian Bables sa upcoming movie na Bekis On The Run, kung saan si Kylie Verzosa ang love interest ni Diego at si Sean de Guzman naman ang lover ni Christian.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results