PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime lumipat muna sa Clark, Pampanga habang ECQ sa NCR

Vice at It's Showtime hosts, mananatili muna sa Clark, Pampanga.
Published Aug 9, 2021
Dahil ECQ ulit sa NCR, pansamantalang lumipat ang live telecast ng It's Showtime sa Clark, Pampanga. Manananatili sa Clark si Vice Ganda at ibang It's Showtime hosts habang ongoing ang live telecast ng show sa Pampanga.
PHOTO/S: It's Showtime Twitter

Nag-umpisa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) noong Biyernes, August 6, dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 Delta variant.

Pero hindi naging hadlang sa mga host at production staff ng It’s Showtime ang sitwasyon dahil dumayo sila sa Clark Free Port Zone sa Clark, Pampanga para sa live telecast ng kanilang noontime show.

Sa apat na noontime programs ng bansa, tanging ang It’s Showtime ang nagkaroon ngayon ng live show.

Replay ang Happy Time ng Net25, at taped as live ang Eat Bulaga! ng GMA-7 at Lunch Out Loud ng TV5.

Ang It’s Showtime main host na si Vice Ganda ang nagpaliwanag sa viewers tungkol sa desisyong pansamantalang ilipat ang live telecast ng kanilang noontime show sa Clark, Pampanga, na hindi sakop ng ECQ.

Pahayag ni Vice, “Sa madlang-Pampanga, maraming-maraming salamat po at kinupkop niyo kami panandalian, pansamantala.

"Pinapasok niyo kami sa inyong lugar, sa inyong tahanan, nang sa ganoon ay maituloy namin ang aming pagseserbisyo at pag-ere nang live para sa aming madlang Pipol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naririto po kami ngayon sa Clark, Pampanga para maituluy-tuloy namin ang pagseserbisyo sa inyo nang live dahil alam na alam namin na, lalo pa’t higit ngayong ECQ sa NCR, kailangang-kailangan namin pagaanin ang inyong kalooban.

“Kailangang-kailangang pangitiin namin kayo at aliwin namin kayo, libangin namin kayo para mabawasan kahit papaano ang inyong mga pangamba at ang inyong mga bigat sa pakiramdam.”

Kabilang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa mga pinasalamatan ni Vice dahil may permiso ng nabanggit na government agency ang live show nila sa Clark, Pampanga.

Saad niya, “Gusto muna namin pasalamatan ang Inter-Agency Task Force o ang IATF. Maraming-maraming salamat po sa inyong paggabay sa amin, sa trabaho namin, sa pagpunta namin dito, maraming salamat po.

“Sa Maynila pa lamang ay ginabayan niyo na kami. Maraming-maraming salamat.”

Nagbigay rin ng mensahe si Vice para sa viewers ng It’s Showtime sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya, madlang pipol sa NCR, huwag ninyong isipin na iniwanan namin kayo. Nandito kami para pasayahin kayo at aliwin kayo,” sabi ni Vice.

Mananatili si Vice sa Clark, pati na ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime, para sa ilang araw na live show ng kanilang programa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil ECQ ulit sa NCR, pansamantalang lumipat ang live telecast ng It's Showtime sa Clark, Pampanga. Manananatili sa Clark si Vice Ganda at ibang It's Showtime hosts habang ongoing ang live telecast ng show sa Pampanga.
PHOTO/S: It's Showtime Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results