PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs threesome with Maui Taylor, Rose Van Ginkel

Janno Gibbs: "Hindi naman siya yung serious na sexy."
by Jojo Gabinete
Published Aug 10, 2021
Siniguro ni Janno Gibbs na walang halong malisya at propesyonal ang pagkakagawa ng naughty love scenes nila nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa 69+1.
PHOTO/S: 69+1 teaser

Tulad ng mga nakaraang pelikula ng direktor na si Darryl Yap, pinag-uusapan ang kontrobersiyal na trailer ng 69+1 dahil sa bulgar na linyang "Puwede mo kaming kan****n nang sabay."

Sina Maui Taylor at Rose Van Ginkel ang nagsabi nito sa karakter na ginagampanan ni Janno Gibbs.

Hindi saklaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang digital films.

Patikim pa lamang ang dialogue na ito, na tinututulan ng mga moralista dahil may ménage à trois o threesome scene si Janno at ang lesbian characters nina Maui at Rose.

Pero tiniyak ng singer-comedian na nakakatawa at hindi malaswa ang eksena nila.

Sabi ni Janno, "May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako.

"Hindi naman siya yung serious na sexy.

"Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They’re very professional, sobrang daling gawin yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film."

Tiniyak ni Janno na hindi siya nagkaroon ng malisya habang kinukunan ang mga bed scene nila nina Maui at Rose.

"Sa totoo lang, kapag nandoon ka na—artista lang ang makakaintindi nito—kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa 'yo.

"Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya.

"Ikaw ba makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?"

Marami nang nagawang naughty comedy movies si Janno, at ang 69+1 ang pinakamatindi.

Pero ipinagtapat ng aktor na hindi siya pumapayag panoorin ng kanyang pamilya ang mga pelikula niyang mapusok ang tema.

"Hindi ko ipinapapanood sa kids ko at sa wife ko. It’s different for me.

"I have daughters. Although naiintindihan nila, 'but it’s awkward to actually watch your dad’s film.'"

Sa September 2 ang airdate o streaming ng 69+1 sa VivaMax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa September 16 ang 52nd birthday ni Janno kaya birthday presentation niya ang pelikulang maraming simbolismo sa kanyang buhay.

"It falls on my birthday month and sakto that I was born in 1969, and plus one na yung edad ko pagdating ng September," ani Janno.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siniguro ni Janno Gibbs na walang halong malisya at propesyonal ang pagkakagawa ng naughty love scenes nila nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa 69+1.
PHOTO/S: 69+1 teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results