Jao Mapa bidang-bida sa kanyang comeback movie; di natakot sa mapupusok na eksena

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2021
Jao Mapa on getting a lead role in the movie Paraluman: “Given this second chance, I’m here to stay. Matatanggihan ko ba ang mga biyayang ibinigay at ibinalik sa akin ng Panginoon? I feel so much joy na nabigyan ako ng pangalawang pagkakataong bumalik sa larangan ng ating munting industriya."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram

Ang Paraluman ng Viva Films ang comeback movie ng '90s matinee idol na si Jao Mapa.

Apat na taong nagpahinga sa paggawa ng mga pelikula si Jao.

Bidang-bida si Jao sa pelikulang pinagbibidahan nila ng sexy star na si Rhen Escaño.

Bukod sa tailor-made para sa kanya ang role, nakasentro sa kanilang karakter ang kuwento ng bagong proyekto ng direktor na si Yam Laranas.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktor, “I thank God for these blessings. I was very excited working with Direk Yam and, of course, with Rhen.

“We did an acting workshop with Direk Melvin Lee. I got more pointers from Direk Yam on how my character Peter would look like.”

Hindi natakot si Jao gawin ang mga mapupusok na eksena nila ni Rhen at ni Gwen Garci, ang gumanap na live-in partner niya sa Paraluman.

“Not at all. Who'd have second thoughts doing it with them?” sagot ni Jao nang aming tanungin tungkol sa intimate scenes nila nina Rhen at Gwen.

“Well, technically, to make a one take, we would compare notes and listen and understand the blocking of Direk Yam.

“Before the take, we’re given time to recall the blocking of Direk Yam and we're able to take them in one shot.”

Tinanong mo ba si Yam kung bakit ikaw ang napili niya para sa role ni Peter?

Sagot ni Jao, “I guess you’d have to ask him that. I would feel better that way, coming from him.

“He has a lot of passion. Kapag trabaho, trabaho. There’s time for work and time for play.

“I tend to drop my character when we take the scenes and he'd always remind me what character Peter is, and I respect him for doing that.

“He's been studying the lighting of painter's such as Amorsolo and applies it to his shots.

"I haven't seen the film yet, but from his video posts on his Instagram, it’s a masterpiece.”

Kahanga-hanga ang cinematography ng Paraluman dahil ang mga artwork ng mga sikat na painter na gaya ni Fernando Amorsolo ang ginamit ni Yam na inspirasyon.

Kahit hindi sinabi ni Jao, tiyak na nagkasundo sila ni Yam dahil, sa tunay na buhay, talented painter din siya.


Continue reading below ↓

Ngayong nagbabalik-pelikula si Jao sa panahon ng coronavirus pandemic, ipinangako niyang tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging aktibo sa industriya.

Saad niya, “Given this second chance, I’m here to stay. Matatanggihan ko ba ang mga biyayang ibinigay at ibinalik sa akin ng Panginoon?

“I feel so much joy na nabigyan ako ng pangalawang pagkakataong bumalik sa larangan ng ating munting industriya.

“I would like to thank again Papa Jesus for these blessings. I’d also like to thank Tita Aster Amoyo for taking me to Viva, Boss Vic del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, Mhit Pimentel, and sa lahat ng mga bumubuo ng Viva.

“I’m so much thankful for their full and utmost support. I promise I won't let them down this time.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jao Mapa on getting a lead role in the movie Paraluman: “Given this second chance, I’m here to stay. Matatanggihan ko ba ang mga biyayang ibinigay at ibinalik sa akin ng Panginoon? I feel so much joy na nabigyan ako ng pangalawang pagkakataong bumalik sa larangan ng ating munting industriya."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results