PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Isko Moreno "very mild" ang COVID symptoms dahil bakunado na

Mayor Isko Moren, tuloy ang schedule kahit naka-isolate sa ospital.
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2021
mayor isko moreno covid
Nagtungo agad si Manila Mayor Isko Moreno sa Sta. Ana Hospital matapos makumpirmang positibo siya sa COVID-19. Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy ang kanyang schedule habang naka-isolate sa ospital.
PHOTO/S: Manila Public Information Office

Nag-alay ng dasal ang mga empleyado ng Manila City Hall na dumalo sa flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga, August 16, para sa mabilis na paggaling nina Manila City Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at ng lahat ng mga kababayan nating may karamdaman dahil sa COVID-19.

On the road to recovery na si Vice Mayor Honey, na nag-anunsiyo na positibo siya sa COVID-19 noong August 8.

Si Mayor Isko naman ay tumuloy sa Sta. Ana Hospital matapos kumpirmahing nagpositibo din siya sa coronavirus kahapon, August 15.

“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon.

"Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila.

"Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” pahayag ni Mayor Isko tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID-19.

Kahit may nararamdaman, walang nagbago sa schedule ni Isko dahil tuloy ang kanyang paglilingkod sa mga kababayan niya habang isolated siya sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Very mild naman yung symptoms niya because he is fully vaccinated. Konting ubo at sipon lang.

"Tuloy ang trabaho niya at ng kanyang mga tauhan," sagot ng isang malapit kay Isko na tinanong ng Cabinet Files tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng alkalde ng Maynila.

Parehong fully vaccinated si Mayor Isko at ang kanyang vice mayor.

Ang mga punong lingkod ng Maynila ang buhay na patunay na mahalagang magpabakuna para may proteksiyon ang lahat laban sa coronavirus.

Pinagtibay ito ng report ng World Health Organization noong July 14, 2021.

Nakasaad dito: “Vaccines are proving effective against existing variants, especially at preventing severe disease, hospitalization and death.

"However, some variants are having a slight impact on the ability of vaccines to guard against mild disease and infection.

“Vaccines are likely staying effective against variants because of the broad immune response they cause, which means that virus changes or mutations are unlikely to make vaccines completely ineffective.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtungo agad si Manila Mayor Isko Moreno sa Sta. Ana Hospital matapos makumpirmang positibo siya sa COVID-19. Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy ang kanyang schedule habang naka-isolate sa ospital.
PHOTO/S: Manila Public Information Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results