Nakatanggap ng imbitasyon mula sa isang popular actor-politician ang isang TV news reporter para magkumustahan sila at pag-usapan ang COVID-19 situation sa lugar na nasasakupan ng una.
Nakatakda sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021 ang filing ng certificate of candidacy ng mga nagbabalak na kumandidato sa eleksyon sa May 9, 2022 at balitang-balita ang pagtakbo ng sikat na actor-politician para sa isang national position sa susunod na taon kaya magalang na tinanggihan ng TV news reporter ang kanyang imbitasyon.
Ipinaliwanag ng TV news reporter na may policy ang kanilang network na hindi basta puwedeng mag-interbyu ng mga personalidad na kakandidato sa halalan sa 2022 kaya kailangan muna ng permiso mula sa network management.
Nang sabihin ng TV news reporter ang patakaran ng television network management sa actor/politician, binanggit nito ang pangalan ng kapwa aktor at pulitiko na inaasahang kakandidato sa 2022 pero madalas na may interbyu at ibinabalita sa mga programa ng TV station.
Hindi na nakapagsalita at nakasagot ang TV news reporter sa actor/politician na may sapat na katwiran para magtaka at magtanong dahil sa Oktubre pa ang pagsusumite ng kandidatura sa Commission on Elections kaya puwede pa siyang mapanood sa telebisyon.
Nakasaad sa Section 21 ng Republic Act 9006 o Fair Election Act ang pagbabawal sa panahon ng kampanya ng pagpapalabas ng mga documentary o isinadula na buhay ng mga kandidato.
Hindi rin pinapayagang ipalabas sa telebisyon at mga sinehan ang mga movie project ng mga kandidatong artista.
Section 21. Prohibited form of election propaganda.
A. Movie, cinematography or documentary portraying the life or biography of a candidate shall be publicly exhibited in a theater, television station or any public forum during the campaign period.
B. No movie, cinematography or documentary portrayed by an actor or media personality who is himself a candidate shall be publicly exhibited in a theater, television station or any public forum during the campaign period.