Malapit nang magsimula ang taping ni Xian Lim para sa Love. Die. Repeat, ang unang television series niya sa GMA-7 at pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.
Kahit nauna na ang mga balita, magkakaroon pa rin ang GMA Network Inc. at ang 24 Oras ng official announcement tungkol kay Xian bilang bagong Kapuso actor.
Excited na si Xian sa television series nila ni Jennylyn na mula sa direksyon ni Irene Villamor, ang direktor ng recent hit movie na Ikaw at Ako at Ang Ending.
Ang mga paghahanda niya para sa Love. Die. Repeat. at ang pakiramdam niya ngayong magkakaroon na siya ng show sa Kapuso Network ang ilan sa mga itinanong ng Cabinet Files kay Xian na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa bagong kabanata sa kanyang acting profession.
“Reading the script and finding a way to give a different type of performance. The genre is unique which will be very interesting for the audience.
“I feel excited and grateful that I've been given an opportunity to be part of this great series along with an awesome line up of talented actors,” sagot ni Xian.
Ano ang mga inaasahan niyang magiging reaksyon ng televiewers sa Love. Die. Repeat?
Aniya, “I expect our viewers to be glued to their seats while watching this series because of the mind-bending twists and turns we have in store for everyone.”
Ano naman ang impression niya kay Jennylyn?
Lahad niya, “Jennylyn seems to be the type of person who is very passionate with her craft.”
Bernard ang pangalan ng karakter na gagampanan ni Xian, habang si Jennylyn naman si Angela.
Kasama rin nila bilang co-stars sa bagong Kapuso serye sina Gardo Verzosa, Mike Tan, Valerie Concepcion at Kim Domingo.