PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao, talo kay Ugas; tatakbo na bang pangulo next year?

Maglalabas daw siya ng announcement next month.
by Jojo Gabinete
Published Aug 22, 2021
Manny Pacquiao
Talo via unanimous decision si Senator Manny Pacquiao sa laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas. Sa susunod na buwan, ia-announce ni Pacquiao ang desisyon kung tatakbo siyang pangulo ng Pilipinas sa susunod na taon.
PHOTO/S: Screenshot from Upstream.ph

Tulala ang mga nanood sa T-Mobile Arena ng World Boxing Association Welterweight Championship fight ng legendary Filipino boxer na si Senator Manny Pacquiao at ni Yordenis Ugas dahil hindi sila makapaniwala na natalo ang Pambansang Kamao sa laban nito sa Cuban boxer na naganap ngayong Linggo nang hapon ( Sabado nang gabi) sa Las Vegas, Nevada.

“I’m sorry that we lost tonight but I did my best and I apologize,” ang pahayag ni Manny na magang-maga ang mukha habang ini-interview siya pagkatapos ng 12-round fight nila ni Ugas.

Inamin ni Manny na nagkaroon siya ng problema dahil hindi siya nakapag-adjust sa laban nila ni Ugas at nakakaramdam din siya ng paninikip ng kanyang mga binti.

“My legs is so tight that’s why it’s hard to move,” ani Manny na pinasalamatan ang kanyang mga tagahanga na nagsadya sa T-Mobile Arena dahil sinuportahan ang laban niya sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung lalaban pa siya muli, “I don’t know. Let me rest first, relax and make a decision if I will continue to fight or not,” ang sagot ni Manny.

Sa tanong kung kakandidato siya bilang pangulo ng Pilipinas sa halalan sa May 2022:

“I will make a final announcement next month. I know I’m facing a big problem, more difficult work than boxing but I want to help the people. I want to help them,” ani Manny.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talo via unanimous decision si Senator Manny Pacquiao sa laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas. Sa susunod na buwan, ia-announce ni Pacquiao ang desisyon kung tatakbo siyang pangulo ng Pilipinas sa susunod na taon.
PHOTO/S: Screenshot from Upstream.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results