TNatalo man si Senator Manny Pacquiao sa WBA Welterweight Championship bout nila ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas, ipinagmamalaki pa rin siya ng maraming Pilipino at ng kanyang mga tagahanga mula sa iba’t ibang bansa dahil sa mga ipinakita niya sa boxing arena.
Nadagdagan ang respeto ng boxing fans kay Manny dahil nagawa pa nitong ngumiti sa gitna ng kanyang pagkabigo. Higit sa lahat, siya pa ang humingi ng paumanhin sa mga umasang maiuuwi niya ang WBA Welterweight Champion belt.
Natahimik ang jampacked crowd ng T-Mobile Arena sa Las Vegas nang marinig nila ang unanimous decision na si Ugas ang nanalo.
Bakas naman ang lungkot sa mukha ni Jinkee Pacquiao, ang asawa ni Manny.

Sa unang round ng kanilang paghaharap, itinulak ni Ugas si Manny kaya sumadsad ito sa sahig, isang eksenang nakunan ng mga litrato at ginamit ng ABS-CBN News sa online news nito na may headline na “Boxing: Shocker in Vegas as Ugas decisions Pacquiao.”

Ang model-actor na si Andrew Wolff ang isa sa mga hindi natuwa sa ginamit na larawan ni Pacquiao kaya nagkomento siya ng “Stupid photo ABS-CBN. Are you trying to make it look like a knockdown?”

Hindi nag-iisa si Wolff dahil maraming netizens na hindi pabor sa planong pagkandidato ni Pacquiao bilang presidente ang nagsabing natalo man ito sa laban kay Ugas, dapat pa rin siyang bigyan ng kaukulang respeto.
Ito ang ilan sa mga napakaraming komento mula sa netizens na nalungkot sa larawan ni Pacquiao na ginamit ng ABS-CBN News:
“Why use this photo? He was never knocked down. He’s still a legend. A Filipino pride.”
“Why use this photo? Manny was not knocked down. He was pushed that’s why he fell. Manny didn’t have an answer on the jabs and the looping right hand. That’s the story.”


“Para sa akin, yung pic mo ABS-CBN ay hindi makatarungan para kay Senator Manny.”
Mabilis namang gumawa ng aksyon ang ABS-CBN News dahil agad na pinalitan ang kontrobersyal na litrato nang makarating sa kanila ang sentimyento ng publiko na nagpakita ng simpatiya at pagmamahal sa Pambansang Kamao, na maraming beses nang nagbigay ng karangalan sa ating bansa.
