PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime assistant cameraman Pido new social media darling

Gusto mo bang makita ang buong mukha ni Pido?
by Jojo Gabinete
Published Aug 24, 2021
It's Showtime's assistant cameraman Pido is a the latest social media darling
Madalas mag-trending ngayon sa social media si Pido, ang assistant cameraman ng It's Showtime, na sumikat dahil sa "Madlang Pi-poll" segment ng Kapamilya noontime show.
PHOTO/S: Screengrab from the Kapamilya Channel

Ang assistant cameraman na si Pido ang bagong kinahuhumalingan ng viewers ng It’s Showtime.

Ito ay nagsimula mula nang bigyan siya ng importansiya ni Vice Ganda sa "Madlang Pi-poll" segment ng noontime program ng Kapamilya Channel.

Isa mga pinakaguwapong crew ng It’s Showtime ang paglalarawan ni Vice kay Pido.

"The Trending Man" naman ang tawag ni Kim Chiu sa masked assistant cameraman ng kanilang programa na madalas mag-trending sa social media.

Si Kim ang umawat kay Pido na huwag nitong alisin ang suot na face mask sa harap ng kamera para manatili siyang misteryoso sa paningin ng publiko at nakatulong ito para lalong madagdagan ang curiosity ng mga tao tungkol sa tunay na ihtsura ng assistant cameraman.

Ikinumpara ni Vice si Pido kay Mystery Boy, si John Paul de Guia, ang masked singer na pinasikat ni German Moreno sa That’s Entertainment noong 1988.

Dahil sa araw-araw na exposure niya sa "Madlang Pi-poll," dumami ang mga tagahanga ni Pido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw na siyang popular searches sa social media dahil sa mga taong gustong malaman ang kabuuan ng hitsura niya, tunay na pangalan, at ibang mga impormasyong may kinalaman sa kanya.

Nang magbiro si Vice na siya ang magiging host ng virtual fan meet para dito ilalantad ni Pido ang mukha, marami ang nasabik, nagpakita ng interes, at nagtatanong kung kailan mangyayari ito.

May mga tagahanga si Pido na gumawa ng paraan at sinuyod ang halos lahat ng social media platforms para makita ang kanyang anyo kapag walang suot na face mask, pero may mga nagdududa sa litratong inilabas nila.

Photo of It's Showtime's assistant cameraman Pido without face mask

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ba si Pido?

Maniniwala lamang umano silang Pido Cobarrubias ang tunay na pangalan ni Pido at ito ang nasa larawang kumakalat kung siya mismo ang maghuhubad ng kanyang maskara.

Isa lamang si Pido sa mga personalidad na nakilala sa It’s Showtime dahil sa atensiyong ibinigay sa kanya ni Vice, kaya kaliga na siya nina Jackie Gonzaga, Ion Perez, at ng cameraman na si Dumbo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Madalas mag-trending ngayon sa social media si Pido, ang assistant cameraman ng It's Showtime, na sumikat dahil sa "Madlang Pi-poll" segment ng Kapamilya noontime show.
PHOTO/S: Screengrab from the Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results