President Duterte tinanggap ang nominasyong tumakbong VP sa 2022

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2021
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbong vice president sa 2022 elections.
PHOTO/S: RTVM

Kumpirmado na ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice president sa 2022 elections.

Ngayong Martes, August 24, naglabas ng press release ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) tungkol sa pasya ni Pangulong Duterte na tanggapin ang pag-endorso sa kanya ng kinaaanibang partido para kumandidato bilang bise presidente ng bansa sa halalang magaganap sa May 9, 2022.

Si PDP-Laban Executive Vice President at Secretary Karlo Nograles ang nakapirma sa press release.

Dito ay sinabi nilang isang "sakripisyo" ang gagawin ni Duterte para maipagpatuloy umano nito ang laban sa terorismo, kurapsyon, kahirapan, at paggamit ng mga ipinagbabawal na droga.

Pinangalanan na rin ang ilang tatakbo para sa senatorial race.

Ito ang kabuuan ng pahayag ng PDP-Laban:

“After being presented with popular calls from PDP Laban regional, provincial,and down to the barangay councils aspiring for a transition of leadership that will guarantee continuity of the administration’s programs during the past five years, including:

Continue reading below ↓

• battles against terrorism, insurgency, corruption and poverty, and the scourge of illegal drugs;

• the successful implementation of the Build-Build-Build Program and the 10-Point Socio-Economic Agenda;

"— and to ensure that the country’s COVID-19 Vaccination Program will be sustained in the critical stage of the pandemic where targets are steadily achieved (now reaching 45% in the NCR and neighboring regions), President Rodrigo Roa Duterte agreed to make the sacrifice and heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of the PDP Laban Party for him to run as Vice President in the 2022 National Elections.

"Further, the following personalities will form part of PDP Laban’s initial Senatorial slate:

"- House of Representatives Deputy Speaker Rodante Marcoleta;

"- Department of Information & Communications Technology Secretary Gregorio Honasan;

"- Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo;

"- Department of Transportation Secretary Arturo Tugade; and

"- Department of Public Works & Highways Secretary Mark Villar

Continue reading below ↓

"These shall be among the matters to be taken up at the PDP Laban national convention to be held this 8 September 202, at San Jose Del Monte Convention Center, Sapang Palay Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan."

Hindi pa inaaununsiyo kung sino ang makaka-tandem ni Duterte sa 2022 elections. Ngunit base sa mga naunang reports, ang tatakbong presidente para sa PDP-Laban ay si Senator Bong Go.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbong vice president sa 2022 elections.
PHOTO/S: RTVM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results