PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shido Roxas on viral lunok scene in Wish Ko Lang

Pero traumatic pala ang eksenang iyon para kay Shido.
by Jojo Gabinete
Published Aug 26, 2021
Shido Roxas on viral scene in Wish Ko Lang: “Kung natawa po kayo or naaliw, e, di mabuti po dahil nabigyan namin kayo ng aliw kahit sa munting paraan at hindi sinasadyang pagkakataon. One lesson the story taught us is life is too short so let us enjoy every moment po."
PHOTO/S: Courtesy of Shido Roxas

Ang pag-aalaga sa kanyang anim na kambing—kung saan dalawa ang buntis—ang pinagkakaabalahan ngayon ni Shido Roxas.

Umuwi muna si Shido sa bayan nila sa San Pablo City, Laguna para kumustahin ang kalagayan ng kanyang mga kambing.


Pero nagpaunlak siyang sagutin ang aming mga katanungan tungkol sa viral video ng eksena niya sa pinag-uusapang episode ng Wish Ko Lang! ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-trending sa social media ang eksenang walang buhay ang karakter ni Shido habang iniiyakan siya ni Christopher de Leon, pero hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng televiewers ang paglunok ni Shido.

Hindi napanood ni Shido sa telebisyon ang guesting niya sa Wish Ko Lang! dahil walang Internet o TV set sa farm nila sa San Pablo City.

“Wala po akong Internet nung panahon na ‘yon and we don’t have TV in the farm.

“I am based in Laguna po, managing the family business," sabi ni Shido nang makapanayam siya ng Cabinet Files nitong Miyerkules ng gabi, August 25.

Patuloy niya, "At ang mga kaibigan po natin sa media ang nagpadala sa akin ng screenshots, tagging me sa photo and film clips they sent directly to my phone.

“Pasensiya na po, nung panahon na ‘yan, sobrang busy ko po attending to our family agricultural business kaya hindi ko po napanood ang episode ng Wish Ko Lang! when it aired.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Eventually, napanood ko ang show nang makabalik na ako sa Manila at may Internet signal na.

“According to my family, friends, and manager, hindi nila napansin ang scene na yun. Kahit ako po, hindi ko napansin nang panoorin ko.”


Nalaman ni Shido na viral na ang video ng eksena nila ni Christopher sa Wish Ko Lang! dahil sa mga link na ipinadala sa kanya na naging dahilan para matawa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “I find it amusing po, as in super natawa ako kasi hindi ko pa napansin na 'napalunok' pala ako.

“Masyado pong maraming problema ang lipunan natin ngayon, and when this went viral, it became a comic relief.

“I don't blame anybody in the production, nangyayari po talaga ang ganyan."

Isa raw sa pinakamahirap na eksenang ginawa ni Shido sa kanyang acting career ang magpatay-patayan.

“Buhay na buhay po ako and mahirap po talaga hindi huminga for more than two minutes habang umaarte akong patay.

“That was one of the hardest scenes I’ve ever made po, ang magpatay-patayan.

“And the same scene po was actually traumatic for me dahil my dad passed away in a vehicular accident.

“Talagang traumatic sa akin ang eksenang ‘yon, it was so strangely familiar.

"Pero salamat nga po, nag-viral, at siguro mababago ang memory ko ng eksenang ‘yon, which became fun and entertaining.

“Hindi ko po alam na napalunok ako dahil mahaba po talaga yung scene and, in my mind, gusto ko na po siya talaga matapos,” kuwento ni Shido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mensahe ba siya para sa mga taong masyadong naapektuhan ng eksena ng paglunok niya?

Sabi ni Shido, “Huwag po masyadong seryoso sa buhay. Tayong mga Pilipino ay likas na masayahin.

“Kung natawa po kayo or naaliw, e, di mabuti po dahil nabigyan namin kayo ng aliw kahit sa munting paraan at hindi sinasadyang pagkakataon.

“One lesson the story taught us is life is too short so let us enjoy every moment po.

“Salamat din po sa mga nakaunawa na hindi po madali yun.

"Salamat din sa production staff ng Wish Ko Lang! for the opportunity of working with them and hope for more projects in the future."

Ano ang importanteng aral na natutunan niya sa nangyari?

“Maybe I should take my swimming more seriously, pahabaan po talaga ng pagpigil sa hininga,” sagot ni Shido.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shido Roxas on viral scene in Wish Ko Lang: “Kung natawa po kayo or naaliw, e, di mabuti po dahil nabigyan namin kayo ng aliw kahit sa munting paraan at hindi sinasadyang pagkakataon. One lesson the story taught us is life is too short so let us enjoy every moment po."
PHOTO/S: Courtesy of Shido Roxas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results