Mag-uumpisa sa September 18 ang airing sa TV5 ng Di Na Muli, ang romance-drama series na pinagbibidahan ni Julia Barretto.
Tulad ng Philippine adaptation ng Korean drama series na Encounter, na pinagbidahan nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa Kapatid Network, mapapanood din tuwing Sabado ng gabi ang Di Na Muli.
Mula sa Star Magic ng ABS-CBN, lumipat si Julia sa Viva Artists Agency noong September 2020.
Ang Di Na Muli ang kanyang unang project bilang contract star ng talent management agency ng Viva Entertainment.
Nagsimula ang lock-in taping ng Di Na Muli sa Subic, Zambales noong May 2021.
Nakunan na ang lahat ng mga eksena at dalawang Marco ang leading men ni Julia— sina Marco Gumabao at Marco Gallo.
Co-stars nila ang ‘90’s top love team nina Angelu de Leon at Bobby Andrews, sina Katya Santos, Baron Geisler, Krissha Viaje, at Andre Yllana.
Ang Di Na Muli ay mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.
“Finally, the wait is over. Magkakaroon na kami ng teleserye ni Marco. OMG, not just one Marco but two. Abangan n’yo kami sa pinakabagong romance drama with Marco Gallo and Marco Gumabao,” imbitasyon ni Julia sa tungkol sa bago at unang television assignment niya sa Kapatid Network.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.