Inihinto na ni Marco Gallo ang kanyang online at delivery business na pinagkaabalahan sa panahon ng pandemya noong nakaraang taon.
Bukod kasi sa may iba silang inaasikaso ng girlfriend na si Rachel Hemphill, nagkasunud-sunod na rin ang movie at television assignments ng 20-year-old Filipino-Italian actor.

Si Marco ang isa sa mga kapareha ni Julia Barretto sa Di Na Muli, ang romance drama ng TV5 na mag-uumpisa ang telecast sa September 18.
Siya rin ang leading man ni Aubrey Caraan sa launching movie nito, ang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

Cast ng Di Na Muli: (L-R) Marco Gumabao, Julia Barretto, Marco Gallo
Nang malaman ni Marco na makakatrabaho niya si Julia, pagkagulat ang kanyang naramdaman dahil sa kanya'y malaking oportunidad ang makasama sa isang proyekto ang young actress na puring-puri niya ang ugali.
“When I learned about it, I got really shocked, like I can’t believe it’s true. Who wouldn’t?
“She cares about everything, about the cast, storyline. She didn’t make me feel in any way that she was better than me, and that really helped me!”
Kasama sa cast ng Di Na Muli si Marco Gumabao, na katukayo ni Marco Gallo, at pareho rin ang initials ng kanilang mga pangalan na nagbigay kalituhan sa production staff.
Nalutas ang problema nang tawagin ng production staff ang dalawang Marco sa mga pangalan ng karakter nila sa upcoming television series ng Kapatid Network.
Si Marco Gallo rin ang love interest ni Aubrey sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, na magsisimulang mag-streaming sa October 1 sa Vivamax.
Malaking karangalan para kay Marco na siya ang napiling leading man ni Aubrey, pero nakaramdam siya ng nerbiyos sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa pelikulang kinunan ang lahat ng mga eksena sa Siquijor island.
May mga nagsasabi kay Marco na masuwerte siya dahil sunud-sunod ang projects niya ngayong taon (Gluta, Di Na Muli, at Ang Manananggal na Nahahati ang Puso), pero iba ang kanyang paniniwala.
Aniya, “I have to confirm that after a few years if I can say that this year was the best one for me.
“I mean, I hope it stays like this, but for now, I will enjoy it!
“I’m not rich but I’m happy where I’m at, work-wise, especially my personal life. I feel like this pandemic made me a mature and better person.”
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.