PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former radio DJ Karen Bordador, abswelto sa drug charges

"Not guilty."
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2021
Dating radio DJ, social influencer at model Karen Bordador, masayang-masaya sa pagkakaabswelto matapos mabilanggo nang limang taon dahil sa kasong illegal possession of illegal drugs. Nakalaya siya noon pang Hunyo 15, 2021, pero ibinahagi niya ang kanyang mapait na karanasan nito lamang Agosto 27 sa kanyang YouTube channel.

Not guilty ang hatol ng Pasig Regional Trial Court Branch 151 sa model, social media influencer at radio DJ na si Karen Bordador at sa kanyang ex-boyfriend na si Emilio Lim na magkasamang dinakip noong August 13, 2016, dahil sa bintang na pag-iingat at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa kanyang 35-page decision, sinabi ni Presiding Judge Maria Paz-Reyes-Yson na may sapat na dahilan para pagdudahan ang kasalanan nina Bordador at Lim dahil hindi magkatugma ang mga eksena sa footage ng closed-circuit television na inihain sa korte at sa mga testimonya ng mga saksing naging kuwestyonable ang kredibilidad.

Limang taong nakulong sa Pasig City Jail si Bordador na lumaya noong June 15, 2021, pero nagsalita lamang siya nitong August 27 sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel tungkol sa napakasakit at malungkot niyang karanasan.

Hindi nagbago ang kuwento ni Bordador na mula sa kanyang 2:00 am to 6:00 am radio show sa Monster RX93.1, naisip niyang sumaglit sa condominium unit ni Emilio sa Pasig City noong August 13, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thirty seconds later upon my arrival, just thirty seconds, my life completely changed,” pagbabalik-tanaw ni Bordador tungkol sa buy-bust operation na nagpabago sa kanyang buhay at kapalaran.

Sumailalim noon si Bordador sa drug test na negatibo ang resulta pero nagdusa pa rin siya sa kulungan sa loob ng apat na taon at sampung buwan.

Kung kukuwentahin, ito ay katumbas ng 1,767 na araw sa kanyang buhay. Limang kaarawan, limang Pasko at limang Bagong Taon ang ipinagdiwang niya sa loob ng selda.

Karen Bordador

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although the incident did not happen at all, I accepted that everything that happens to a person must happen...

“That even if it's one percent, it can happen to you. It happened to me, so if I’m gonna be somewhere, I’m gonna make sure to make a difference where I am at, and I’m also gonna try to do something very meaningful and purposeful,” pahayag pa ni Bordador na hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang luha habang binabalikan ang nakaraan.

“June 15, I was acquitted. I was waiting for that day. For the longest time, like every single day, I would pray, pray, pray, pray. When the verdict was announced, I super cried.”

Sa kabila ng mapait at traumatic na karanasan, naging positibo ang mga pananaw ni Bordador at hinding-hindi mababakas sa mukha nito ang matitinding pagsubok na pinagdaanan niya. Sa katunayan, bumata pa nga ang kanyang hitsura.

Pag-amin niya, “Grabe, five years to lose your life, but I wouldn’t say that I really lost it because I made so much progress inside. I learned so many skills, read 300-plus books or probably more, created a library inside the jail.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So I felt so so blessed like, sabi ko, this year, 2021, will be my year. So I walked outside sobrang happy.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating radio DJ, social influencer at model Karen Bordador, masayang-masaya sa pagkakaabswelto matapos mabilanggo nang limang taon dahil sa kasong illegal possession of illegal drugs. Nakalaya siya noon pang Hunyo 15, 2021, pero ibinahagi niya ang kanyang mapait na karanasan nito lamang Agosto 27 sa kanyang YouTube channel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results