Kasalukuyang nagaganap Martes ng hapon, August 31, ang Zoom presscon ng GMA-7 para kay Xian Lim.
Opisyal nang ipinakilala ang dating ABS-CBN star bilang bagong Kapuso at leading man ni Jennylyn Mercado sa upcoming drama series na Love. Die. Repeat.
Nakausap ng entertainment press si Xian habang nasa hotel room siya dahil sa mandatory quarantine para sa cast ng Love. Die. Repeat. bago sila magsimula ng taping.
Ikinuwento ni Xian na nagkakilala lamang sila ni Jennylyn nang personal sa swab test nila noong isang araw, pero sandaling-sandali lamang ang kanilang pag-uusap.
Lahad ng aktor, “Mabilis lang, but we did get to konting kuwentuhan, pero as in sobrang bilis lang tapos may mask pa kami.
“We have our workshops online and nagkikita kami pong lahat sa Zoom para magkuwentuhan, magkaroon ng rapport sa isa’t isa.”
Nang tanungin ang reaksiyon ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu tungkol sa paglipat niya sa GMA-7, nagsalita nang tapos si Xian na hindi mawawala ang KimXi love team nila.
Saad niya, “Kami po ni Kim, we're really supportive sa mga proyekto na ginagawa namin—mapa-pelikula po ‘yan, mapa-teleserye, mapa-working with other other actors and, in this case, network.
“At this point, we’ve come to realize na we grow as a couple and, at the same time, we grow as individuals.
“Yung tandem po na KimXi, it will always be there.
"Sa lahat ng mga nagtatanong [sa mangyayari sa KimXi tandem], nababasa ko rin po sa Twitter, i-address ko lang po.
“It will always gonna be there. Yung pagmamahal is always gonna be there.
"We support each other, basically.”
Posible bang magkasama sila ni Kim sa isang project ng Kapuso Network?
"Why not?" sagot ni Xian.
Hindi itinanggi ni Xian ang excitement nang malaman niyang may alok sa kanyang show ang GMA-7, pero may kaba siyang naramdaman.
Lahad niya, “Yung naging proseso po was I just received a phone call.
"I was very excited and I didn’t know what to say nung una kong matanggap yung tawag. Very brief yung ibinigay nilang kuwento.
"But instantly, I said… wala nang masyadong pag-iisip pa, 'Definitely, I would love to work with you guys.'
“Being considered for a project is a huge. I am very thankful.
"I’m very passionate with my work and as an artist, I love taking on projects na kakaiba.
“Una kong naramdaman is kaba because yung mga makakatrabaho ko po, makakasama is completely different sa mga usual na nakakatrabaho ko.
"Other than that, nag-umapaw naman po yung excitement for the work."
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.