"Manila is like New York. It’s like fast…"
Ito ang description ng popular American rapper na si Saweetie sa capital city ng Pilipinas habang nag-uusap sila ng socialite na si Paris Hilton sa "Taco Night with Saweetie," ang Episode 2 ng Cooking with Paris na napapanood sa Netflix.
Diamonte Quiava Valentin Harper ang tunay na pangalan ng 28-year-old rapper na may screen name na Saweetie.
Alam ni Paris na Pilipina ang ina ni Saweetie na si Trinidad Valentin, kaya ang controversial American socialite ang unang nagsalita tungkol sa pagkakaroon ng Filipino blood ng rapper.
African-American ang ama ni Saweetie na si Johnny Harper.
“I heard your mom is from the Philippines?” tanong ni Paris kay Saweetie habang inihahanda nila ang ingredients ng taco.
Nang sabihin ni Saweetie na nagmula sa Manila ang kanyang ina, sumagot si Paris ng “I love the Philippines.”
“You been there before? Have you been to any other islands?” tanong ni Saweetie kay Paris.
“No. I’m always there for work so I never have time. I heard it’s incredible. I’ve seen photos,” sagot ni Paris.
Nagsalita si Saweetie na parang New York ang Maynila, kasunod ang kanyang payo kay Paris na, "You need to relax ‘cause bad bitch needs to relax."
Sampung taon na ang nakararaan mula nang unang bumisita si Paris sa Pilipinas noong August 2011.
Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang ilan sa mga Pilipinong kaibigan ni Paris.
Pumunta si Paris sa ating bansa dahil special guest siya sa grand opening ng SM Megamall branch ng Paris Hilton Handbags and Accessories noong August 18, 2011.
Sa kanyang tweet noong araw na iyon, pinasalamatan ni Paris ang "millions of Filipino fans" na nagpunta sa naturang mall para makita siya nang personal at sinuportahan ang pagbubukas ng tindahan niya.
Isa kami sa makapagpapatunay na exaggerated ang tweet ni Paris dahil naroroon kami nang araw na ‘yon at nakita namin siya.
Ngunit wala pang apat na libo ang bilang na inabangan ang pagdating niya. Pero totoong mainit ang naging pagtanggap sa kanya.