PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval admits her insecurities

AJ Raval, Jela Cuenca, at Angeli Khang binansagang Vivamaxx Maximum Crush.
by Jojo Gabinete
Published Sep 6, 2021
AJ Raval on fellow Vivamaxx Maximum Crush members Jela Cuenca and Angeli Khang: "Sa panahon po natin ngayon, ang daming nagpapaseksi kahit sa Instagram, TikTok for likes, pero hindi sila katulad naming nagpapaseksi dahil nagwo-work po kami. Naa-appreciate naman po ng mga tao yung ginagawa namin dahil ginagalingan naman namin."
PHOTO/S: Instagram / Viva Films

Opisyal na ipinakilala sina AJ Raval, Jela Cuenca, at Angeli Khang bilang mga miyembro ng Vivamaxx Maximum Crush o VMX Crush.

Nabuo ang VMX Crush dahil sa pagsasama nila sa erotic-thriller movie na Taya.

Para sa tatlo, malaking karangalang bansagan silang VMX Crush kaya gagawin nila ang lahat para hindi mabalewala ang pagtitiwalang ibinigay ng kanilang home studio.

Sabi ni AJ, “Sobrang happy po dahil nagiging crush kami ng bayan.

"Feeling ko po, may meaning yung ginagawa ko, nagugustuhan ng mga tao yung trabaho namin.

"Ibig sabihin, okay kami sa mga ginagawa namin."

Si AJ ang maituturing na lider ng grupo dahil siya ang naunang pumasok sa showbiz at nabigyan ng sunud-sunod na pelikula.

Noong September 3 ang kaarawan ni AJ na iisa lamang ang birthday wish—ang matapos na ang coronavirus pandemic para bumalik na sa normal ang pamumuhay sa buong mundo.

Nang humarap ang tatlo sa entertainment press sa ginanap na Zoom media conference noong September 4, nagpakatotoo si AJ sa pagkukuwento tungkol sa kanyang insecurities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Lahat naman po tayo may insecurities. Sobrang laki ng insecurity ko sa kung paano ako magsalita.

“Sa totoo lang, wala akong ka-class-class magsalita at gumalaw.

"Pero pakonti-konti, tinatanggap ko sa sarili ko, ito ako.

"Nagiging totoo ako sa mga tao, which is mas lalo akong minamahal ng mga tao."

Bago sumabak si AJ sa pagpapaseksi sa pelikula, miyembro sila ni Angeli ng all-girl group na kumakanta at sumasayaw kaya payag ang dalawa na muling bumuo ng bagong sexy group tulad ng Viva Hot Babes.

Tanggap ng tatlo na nakilala sila ng mga tao dahil sa paghuhubad nila sa pelikula, pero handa silang ipakita at patunayan ang kanilang mga kakayahan sa pag-arte.

“Sa panahon po natin ngayon, ang daming nagpapaseksi kahit sa Instagram, TikTok for likes, pero hindi sila katulad naming nagpapaseksi dahil nagwo-work po kami.

“Naa-appreciate naman po ng mga tao yung ginagawa namin dahil ginagalingan naman namin,” paliwanag ni AJ tungkol sa kaibahan nila nina Angeli at Jela sa ibang mga kababaihang aktibo sa pagpapaseksi sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on fellow Vivamaxx Maximum Crush members Jela Cuenca and Angeli Khang: "Sa panahon po natin ngayon, ang daming nagpapaseksi kahit sa Instagram, TikTok for likes, pero hindi sila katulad naming nagpapaseksi dahil nagwo-work po kami. Naa-appreciate naman po ng mga tao yung ginagawa namin dahil ginagalingan naman namin."
PHOTO/S: Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results