Lacson at Sotto, pormal na inilunsad ang kandidatura para sa 2022 elections

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2021
Senator Ping Lacson (left) on his and Senator Tito Sotto's candidacy for 2022 elections: "Between me and Senate President Tito Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service. Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Tumagal lamang ng kalahating oras ang pre-recorded at opisyal na paglulunsad nina Senators Panfilo Lacson at Tito Sotto sa kanilang kandidatura bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa para sa halalan sa Mayo 9, 2021.

Itinaon nina Lacson at Sotto ang okasyon sa paggunita sa kapistahan ng pagsilang o Nativity of the Blessed Virgin Mary ngayong Miyerkules, September 8, sa Resorts World Manila.

Parehong checkered polo shirts ang kanilang mga suot, na matibay na pahiwatig ng magiging signature look nila sa panahon ng kampanya.

Sa kanyang talumpati, malinaw ang pagpaparinig ni Lacson sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi niyang lalong dumami ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa, ang malalang suliranin sa coronavirus pandemic, at hindi nalutas ang mga problema sa korapsyon at paggamit ng mga ilegal na droga

Pasaring ni Lacson: “In his 6th and final State of the Nation Address last July 26, President Rodrigo Duterte admitted that he was wrong to think that leading the country is a simple and easy as leading Davao City.

Continue reading below ↓

“Walang debate sa katotohanan. Hindi natin dapat payagan ang maling akala para sa kinabukasan ng ating bansa.

“Sa gitna ng pandemya, baon sa utang ang ating bansa. Marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang maraming negosyo. Nadagdagan ang bilang ng mga mahihirap. Lalo pang dumami ang mga kumakalam ang sikmura.

"Talamak ang korapsyon. Laganap pa rin ang illegal na droga. Unti-unti, nawawala ang ilang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea.

“Ilan lamang ito sa malalaking problema na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino. Hindi biro-biro ang mga pagsubok na haharapin ng susunod na administrasyon."

Kasunod nito ay ibinida ni Lacson ang aniya'y "honest, dedicated, and competent public service" nila ni Sotto na magbabangon umano sa pagkakalugmok ng ating bansa.

“Between me and Senate President Tito Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service.

“Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok.

Continue reading below ↓

“Malaking hamon subalit kailangang maibalik ang tiwala ng ating mamamayan sa gobyerno at sa mga namumuno.

“Ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng leadership by example. Hindi sa salita kundi sa gawa.

"No leader can succeed if he cannot practice what he preaches.

"Kailangan natin ng lider na ang tama ay ipaglalaban at ang mali ay lalabanan."

"ITO NA ANG SIMULA!"

Pakiusap naman ni Sotto: “Tama na!”

Naniniwala ang Senate President na muling makakabangon sa pagkakalugmok ang Pilipinas.

Saad niya, “Ako po ay humaharap sa inyo upang hingin ang inyong tiwala. Tiwala na babangon muli ang bansa.

"Tiwala na magkakaroon muli ng pag-asa ang inyong matibay na paniniwala na sa sama-sama ay kakayanin nating ipanumbalik ang tiwala natin sa ating mahal na bansang Pilipinas.”

Gaya ni Lacson, inisa-isa ni Sotto ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Pero sa kanya, ang kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino ang pinakamalubha.

“Humaharap po tayo sa mga matitinding suliranin, bagsak ang ekonomiya, pagkalat at pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa, laganap na korapsyon, paghihirap ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

"At, gaya ng dati, ang mga ordinaryong tao, ang mga salat sa karangyaan, ang mga dukha, ang mga mahihirap, ang nakararanas ng matitinding pagdurusa.

"Ngunit ang mas malubhang problema ay kawalan ng pag-asa.

“Marami sa atin ay hindi na alam kung kanino na magtitiwala o kung ano ang paniniwalaan.

“Marahil dumating na tayo sa punto na hindi na natin kayang ipagsawalang-bahala na lang ang mga nangyayari sa ating gobyerno, sa ekonomiya.

"Tama na, kailangan na nating tumugon. Kailangan na nating umaksyon. Kailangan na nating magsanib-puwersa upang mapigilan at maitama ang mali.

"Ito na ang simula!"

Dagdag niya, “Kami po ay naririto sa inyong harapan dahil sa pagmamahal namin sa ating lupang sinilangan.

“Dahil naniniwala kami sa inyo aming mga kababayan. Dahil ninanais naming magtanim at magbigay ng pag-asa sa puso at kaisipan ng bawat Pilipino.

“Dahil alam namin na ito na aming huling pagkakataon para gawin ang nararapat upang maisalba ang kinabukasan ng henerasyon ngayon at mga susunod pa.”

Continue reading below ↓

Bukod kina Lacson at Sotto, wala pang pormal na nagdeklara ng kanilang kandidatura sa 2022 elections.

Ngunit nagpahayag na ng kanilang kagustuhang tumakbo sina Senator Manny Pacquiao bilang pangulo at si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangalawang pangulo.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Ping Lacson (left) on his and Senator Tito Sotto's candidacy for 2022 elections: "Between me and Senate President Tito Sotto are more than 80 years of honest, dedicated, and competent public service. Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results