Marco Gallo, gustong i-retain ang butt exposure niya sa Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2021
Marco Gallo (in photo, with Aubrey Caraan) on his butt exposure in Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso: "Ipa-viral natin. Sabihin natin, 'Viva, huwag ninyong i-scene drop.'"
PHOTO/S: Viva Films

“Bakit ayaw nila? Gusto ko!”

Ito ang natatawang sabi ni Marco Gallo nang malaman nitong tutol ang Viva Artists Agency (VAA), ang talent management agency na namamahala sa kanyang showbiz career, sa scene drop plan ng direktor na si Darryl Yap sa butt exposure scene niya sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

Kuwento ni Darryl, “May butt exposure si Marco. Ipinaglalaban ko pa kina Boss Veronique [del Rosario-Corpus, VAA head]. Ayaw nila, pero inilalaban ko.

"Baka puwede nating ipakita natin sa tao yung butt exposure. Naliligo siya tapos yung kamera sumusunod sa bula, e, pumunta sa behind ni Marco.

"So, abangan niyo. Hindi rin handa si Aubrey diyan sa eksenang ‘yan."

Si Aubrey Caraan ang kapareha ni Marco sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

“Ipa-viral natin. Sabihin natin, 'Viva, huwag ninyong i-scene drop,'” reaksyon ni Marco sa sinabi ni Darryl.

Ang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang launching movie ng bagong love team nina Marco at Aubrey.

Continue reading below ↓

Higit na nakilala ng dalawa ang isa’t isa nang pumunta sila sa Siquijor. Nabigyan sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan sa tabing-dagat ng picturesque mystical island dahil dito kinunan ang lahat ng kanilang mga eksena.

Kuwento ni Marco, "We talked a long time until 3 a.m. I took her by the beach, I remember that. We had such a long talk and we bonded."

Sabi naman ni Aubrey, "Very straightforward si Marco. Masaya ako dahil nag-share siya sa akin ng personal life niya.

"Doon lang kami naging close kahit nagka-work na kami before sa isang television series.

“Mas nakilala ko si Marco sa pag-uusap namin na ‘yon.

"I’m very happy to work with Marco. Magaan siya katrabaho, hindi niya ako pinabayaan sa mga eksena."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo (in photo, with Aubrey Caraan) on his butt exposure in Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso: "Ipa-viral natin. Sabihin natin, 'Viva, huwag ninyong i-scene drop.'"
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results