Hashtags member Wilbert Ross, nabigyan ng second chance sa showbiz

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2021
Wilbert Ross: "Sobrang seryoso na ako sa goals ko. Pagdating sa trabaho, talagang workaholic ako. As much as possible, ayokong nababakante o wala akong ginagawa, kahit man lang sa mga bagay na makakapag-improve sa talent ko."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram

Ang Bes and the Beshies at Hello Love Goodbye (bilang kapatid ni Kathryn Bernardo) ang dalawa sa mga proyekto noon ng 24-year-old Hashtags member na si Wilbert Ross.

Pero ang role ni Wilbert sa sexy-comedy movie na Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan, na pinangungunahan ni Andrew E., ang itinuturing niyang biggest break mula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career noong February 14, 2016.


Continue reading below ↓

Ang Asian Artist Agency Inc. ang dating namamahala sa acting career ni Wilbert.

Ang pagsasara ng nabanggit na talent management agency ang dahilan kaya lumipat sa Viva Artists Agency ang newcomer na half-Chinese, ¼ Indonesian at ¼ Filipino.

Sa simula pa lang ng pagpasok ni Wilbert sa entertainment industry, seryoso agad siya dahil sa kanyang mga pangarap na gusto niyang matupad.

“Sobrang seryoso na ako sa goals ko. Pagdating sa trabaho, talagang workaholic ako.

"As much as possible, ayokong nababakante o wala akong ginagawa, kahit man lang sa mga bagay na makakapag-improve sa talent ko.

"Sobrang taas ng mga pangarap ko at alam ko po na mangyayari lahat yun," pahayag ni Wilbert sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Kabilang si Wilbert sa mga aspiring actor na naapektuhan ng coronavirus pandemic kaya ramdam na ramdam niya ang malaking pagbabago sa kanyang buhay at pamumuhay.

Saad ng Hashtags member, “Sa ABS-CBN, lalo na sa It’s Showtime, tatlong taon ko silang naging pamilya at naging lifestyle ko na rin dahil may work ako, six times a week.

“Nakakapanibago na biglang nawala lahat nang ‘yon kaya thankful ako dahil binigyan uli ako ng Viva ng chance sa showbiz.

“Sobrang natuwa at nabigla ako nang malaman ko ang role ko sa Shoot! Shoot! dahil maraming lines.

“Saka sobrang bait at down-to-earth ni Kuya Andrew. Palagi siyang nanlilibre sa amin at lagi rin niya akong pinapayuhan.

"Lahat ng questions ko tungkol sa showbiz, sinasagot niya."

Continue reading below ↓

Leading-man material si Wilbert kaya ikinatuwa nito ang balitang malalaki ang mga plano ng mother studio niya para sa kanya.

“Open po ako sa lahat ng plano ng Viva para sa akin.

"Ready po akong gawin ang lahat para maihanda ko ang sarili ko sa mga ibibigay nila sa akin," puno ng pag-asang reaksiyon ni Wilburt.

Buo ang paniniwala ni Wilbert na maaabot niya ang pinakaaasam na tagumpay sa showbiz dahil matiyaga at matatag siya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross: "Sobrang seryoso na ako sa goals ko. Pagdating sa trabaho, talagang workaholic ako. As much as possible, ayokong nababakante o wala akong ginagawa, kahit man lang sa mga bagay na makakapag-improve sa talent ko."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results