Si Rabiya Mateo nga ba ang "newest Kapuso"?

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2021
Sa September 19, 2021, maggi-guest sa The Boobay and Tekla Show ng GMA-7 ang newest Kapuso na si Rabiya Mateo.
PHOTO/S: PR

Si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang special guest bukas, September 19, 2021, sa The Boobay and Tekla Show ng GMA-7.

Magkukuwento ito tungkol sa pagkatalo niya sa 69th Miss Universe noong May 17, 2021.

Nakasaad rin in bold and big letters sa teaser ad ng comedy talk show nina Boobay at Tekla ang: "Our newest Kapuso Rabiya Mateo, Sasabak sa Kuwelang Acting Workshop."

Indikasyon ba ito ng kanyang nalalapit na pagpirma ng kontrata sa Kapuso Network?

Ayon sa source ng Cabinet Files, hinihintay lamang na matapos ang mga responsibilidad ni Rabiya bilang reigning Miss Universe Philippines bago siya pumirma ng kontrata sa GMA-7.

Nakatakdang isalin ni Rabiya sa successor nito ang korona ng Miss Universe Philippines sa September 25.

Pagkatapos nito, ang showbiz career niya ang kanyang haharapin.

Una nang binanggit ito ni Rabiya pagkatapos niyang sumali sa 69th Miss Universe pageant na ginanap sa Hollywood, Florida, apat na buwan na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Ang sabi niya sa kanyang panayam after the pageant, "I’ll be taking a bit of a break but I’ll be back ang join showbiz."

Sasabak ba siya sa pag-arte?

Sa mga interbyu imbiyerna ni Rabiya, mapapansing napakahaba ng mga sagot niya kahit maiksi ang mga tanong.

Hindi itinatanggi ng outgoing Miss Universe Philippines ang pagiging madaldal kaya sa nalalapit na pagpasok niya sa showbiz, ang maging host ng isang magazine show, tulad ng Kapuso Mo Jessica Soho, ang kanyang pangarap.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa September 19, 2021, maggi-guest sa The Boobay and Tekla Show ng GMA-7 ang newest Kapuso na si Rabiya Mateo.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results