Tatlo sa pelikula ni Sean de Guzman ang kasama sa Top 10 Content for the week ng Vivamax streaming site: ang Bekis On the Run na nasa Number 2 position, ang Taya (Number 3) at Nerisa (Number 6).
Sunud-sunod ang mga pelikula ni Sean mula nang magbida siya sa Anak ng Macho Dancer na napanood sa ktx.ph noong January 2021, at dahil sa magkakasunod na projects, nalilimutan na niya ang pangalan ng mga karakter na kanyang ginampanan.
Sa virtual presscon ng Bekis On the Run, si Christian Bables pa ang nagpaalala kay Sean ng pangalan ng kanyang karakter sa kanilang pelikula dahil hindi na niya matandaan.
Hindi nababakante si Sean dahil pagkatapos ng Bekis On the Run, ang shooting ng Mahjong Nights ang kanyang pinagkaabalahan.
Kasama ni Sean sina Jay Manalo, Mickey Ferriols, Angeli Khang, Liz Alindogan at Arnell Ignacio sa Mahjong Nights na mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.
Ang malaking pagbabago sa kanyang buhay at acting career ang sagot sa mga dasal ni Sean na dumanas ng depression noong 2018 kaya pumasok sa isip niya na tapusin ang sariling buhay dahil sa mga problema sa pamilya, pera at babae.
Sa tulong at suporta ng kanyang pamilya, nalampasan ni Sean ang mga pagsubok na pinagdaanan at napatunayan niyang maling-mali ang mag-isip tungkol sa pagpapatiwakal.
Wala nang problema sa pera si Sean dahil hindi na ito nawawalan ng mga project kaya nakakatulong na siya sa kanyang pamilya.
Lalong walang isyu si Sean sa mga babae dahil mismong ang sexy star na si AJ Raval ang lantaran Vivna nagpapakita ng pagkagiliw sa kanya.
Sa recent virtual mediacon ng Shoot Shoot!, nagsalita si AJ na wala pa silang relasyon ni Sean pero gabi-gabi ang kanilang pag-uusap bago matulog. Hayagan din ang kanyang pagsasabi ng “I love you” sa mga Instagram post ng aktor na nakapareha niya sa Nerisa at Taya.

Ang complete makeover, pagkakaroon ng sariling glam team at pagbibida sa kanyang mga susunod na project ang ilan sa mga plano para kay Sean dahil siya ang next important actor ng home studio niya.
Mahalagang paalala: Ginugunita tuwing September 10 ang World Suicide Prevention Day. Isang emergency ang suicide pero maaari ito na mapigilan.
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline:1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0917-8998727.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.