Presidential bid ni Manny Pacquiao, umani ng extreme reactions

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2021
Senator Manny Pacquiao, sa pagtakbo bilang presidente sa 2022 elections: “Panahon na upang manalo naman ang mga naaapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na na ang isang malinis na gobyerno kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino."
PHOTO/S: Screen from Manny Pacquiao on Facebook

Nakuha ni Senator Manny Pacquiao ang solidong suporta at simpatiya ng sambayanang Pilipino nang labanan ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas sa WBA Welterweight Championship fight noong August 21, 2021 sa Las Vegas, Nevada.

Kahit pa talunan siya noon.

Pero hindi iisa ang reaksiyon ng publiko nang tanggapin niya ang nominasyon ng PDP-Laban faction bilang kandidato sa presidential race sa May 9, 2022 election.

Ngayong Linggo ng hapon, September 19, 2021, naganap ang pormal na anunsiyo ni Pacquiao at ng kanyang partido sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook.

Naglabas agad ang BBC, Channel News Asia, Bangkok Post, South China Morning Post at ibang international news organizations ng balita tungkol sa pagdeklara ni Pacquiao ng presidential bid.

Patunay lamang itong kinikilala sa buong mundo ang pangalang Pacquiao bilang boksingero.

Mabilis na nag-trending sa Twitter Philippines ang deklarasyon ni Pacquiao.

Dagsa rin sa Facebook ang status reactions at comments ng sambayanan.

Continue reading below ↓

Ang malakas na sigaw ng loyal supporters ay kailangan ng Pilipinas ang isang lider na "Man of God."

May ilan pang nagsabing ang pagtakbo niya ay "opportunity to vote for a president who is not corrupt."

Ngunit meron ding mga Pilipinong bumatikos, napamura, o naawa raw sa bayan.

May ilan ring naging personal ang atake sa Pambansang Kamao.

Narito ang ilang komento na pabor sa pagtakbo ni Pacquiao bilang Pangulo:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Narito naman ang ilan sa mga bumatikos sa kanya:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa kabila ng mga natanggap na panghuhusga sa kanyang pagkatao, palaban si Pacquiao sa talumpati nito.

“Your time is up!” ang banta ni Pacquiao sa mga taong pinararatangan niya ng katiwalian at pagsasamantala sa mahihirap at naaaping mga kababayan.

“Panahon na upang manalo naman ang mga naaapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na na ang isang malinis na gobyerno kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino.

“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan. Your time is up!

“Binigyan namin kayo ng pagkakataon ngunit kami ay inyong binigo. Naghintay po kami ng mahabang panahon, ilang dekada na ang lumipas pero wala din nangyari. Sawa na kami sa inyong mga pangako, sa inyong mga dahilan.

“Sa ngalan ng PDP-Laban at bawat Pilipino na nangangarap ng isang maunlad na buhay, si Manny Pacquiao po ay handang gumabay at mamuno sa inyo sa panahon ng kahirapan, pagbangon at pag-asenso.

Continue reading below ↓

"Panahon na magsama-sama po tayo. Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord,” ang bahagi ng talumpati ng 42-year-old boxing champ.

Bago nagbitaw si Manny ng maaanghang na salita laban sa mga lider ng pamahalaan, may paalala siya bilang boksingero.

“I am a fighter and I will always be a fighter inside and outside the ring! Sa buong buhay ko, wala akong laban na inaatrasan dahil sa ngalan ng prinsipyo, karangalan ng bayan ay tumayo ako, nanindigan at nakikipaglaban.

“Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo bilang Pambansang Kamao ay walang ipinag-iba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian.”

Taong 2010 nang na-elect si Pacquiao bilang congressman ng Saragani, kung saan nanilbihan siya ng dalawang termino.

Taong 2015 naman nang mahalal siya bilang senador.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao, sa pagtakbo bilang presidente sa 2022 elections: “Panahon na upang manalo naman ang mga naaapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na na ang isang malinis na gobyerno kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino."
PHOTO/S: Screen from Manny Pacquiao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results