Ang katalinuhan at ang morena beauty ni Gabbi Garcia ang ilan sa mga dahilan kaya marami ang kumukumbinsi sa kanyang sumali sa mga beauty pageant.
Sa tuwing panahon ng mga timpalak-kagandahan sa Pilipinas, hindi nawawala ang pangalan ni Gabbi sa listahan ng mga aktres na may karapatang manalo ng beauty title.
Hindi itinatanggi ni Gabbi na kabilang talaga sa mga pangarap niya ang maging beauty queen.
Ang pahayag ng Kapuso actress sa Cabinet Files ang pruwebang itutuloy ng dalaga ang plano sa pagsali sa beauty pageant sa tamang panahon.
Saad niya, “Once you entered the pageant world, kailangan no hesitations. Kailangan buo ang loob mo, 200 percent gigil ka talaga to get the crown and to win.
“As of now, there’s so much on my plate. I have GMA with me, tapos ang dami kong inaasikaso sa social media plus brand endorsements.
“Kumbaga, hati pa yung oras ko, so I still can’t commit my full time to the pageantry world.
"So, I feel like the right time is when I’m 200 percent focused in joining pageant."
Dagdag pa ni Gabbi, "And I’m not rushing ‘coz I’m still young, I’m just 22.
"When the time comes, talagang proud na proud kong sasabihin na eto na talaga yun.
“Ayoko rin na sasali ako tapos hindi pa ako fully equipped. Parang sasabak ka sa giyera na wala ka naman bala.
"But the desire is there, the dream is there. Buong-buo siya.
"I’m just waiting for the right time."
Tiyak na ikatutuwa ito ng kanyang mga tagahangang matagal nang naghihintay sa pagsabak niya sa beauty contest.
Mapalad si Gabbi dahil suportado ng kanyang boyfriend na si Khalil Ramos ang ambisyon niyang magkaroon ng korona.
Si Khalil ang nagbanggit sa Cabinet Files na sinabi na noon sa kanya ni Gabbi ang pangarap nitong maging beauty queen.
Ayon kay Khalil, “Kung 200 percent yung effort niya [na maging beauty queen], 200 percent ang support ko.
"Ever since nagsimula kaming mag-date back in 2017, nabanggit niya yun agad. Isa yun sa mga pangarap niya.
"Yung isang pangarap niya na hindi na niya masyadong nasundan is yung pagiging piloto.
"Pero yung kaya pa niya maabot as of now is winning a beauty pageant.
"So, ako, sobrang support ako diyan."
Si Khalil ang love interest ni Gabby sa "One Million Comments," ang episode ng Regal Studio Presents na kanilang pinagbibidahan at mapapanood sa Sabado, September 25, sa GMA-7.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.