Tinanggihan ni Epy Quizon ang alok ng isang kandidato na bilhin sa halagang PHP30 million ang "Lukso ng Dugo," ang awit na kanyang isinulat para sa Magkaisa PH.
Ang Magkaisa PH ay ang kilusang itinatag nila ng mga kaibigan niya para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa ating bansa.
Tumanggi raw si Epy na ipagbili ang "Lukso ng Dugo" dahil sa kanyang katuwirang para sa lahat ang awit na nilikha niya.
Kuwento niya, "I was offered PHP30 million. I will not name who, but I was offered PH30 million and I could have paid everyone, the artists and all that.
"No, I refused. Wala akong pera noon sa bangko. Wala akong trabaho noon.
"In-offer ako PHP30 million, tapos lahat ng problema natin."
Kahit hirap siya sa pera noon, hindi siya nagpabulag sa PHP30 million dahil mas pinahahalagahan daw niya ang prinsipyo at respeto sa sarili.
Lahad pa ni Epy, "Actually, napaisip ako. Nabulag ako ng mga two minutes.
"Sabi niya, 'Ngayon mismo, ibigay mo sa akin ang kantang ‘yan, bibigyan kita ng tseke.'
"Ang sagot ko, 'I can make you another one but not this song. This song is not owned by me anymore, this song is owned by all the artists who are part of it.'
"Kumbaga, I’m just a representative for everyone who’s part of the movement now."
POWERHOUSE STARS WHO SANG LUKSO NG DUGO
Star-studded ang mga nag-perform ng "Lukso ng Dugo" dahil inawit ito nang walang anumang kapalit ng mga singer na sina Gary Valenciano, Erik Santos, Ira Cruz, Matteo Guidicelli, Bayang Barrios, at Gloc 9.
Kasama rin sina Kyla, Nyoy Volante, Cookie Chua, Yeng Constantino, Karel Honasan, Rivermaya, at marami pang iba.
Mapapakinggan at mapapanood ang music video ng "Lukso ng Dugo" simula sa October 16 sa YouTube channel ng Magkaisa PH.
Binuksan ng grupo ni Epy ang website na Magkaisaph.com dahil sa kanilang layuning magkaroon ng isang lugar na kapayapaan lamang ang umiiral.
Paliwanag niya sa itinatag na website, "It’s a place where good vibes lang ang ipinapakita natin, in a day and age na medyo maraming gulo, maraming kinakabahan na, maraming galit, maraming nag-aaway, maraming iba-ibang faction.
"It’s a place na ipinapakita lang natin na ang kultura ng Pilipino sa mga kanta natin, sa arts and culture. Na kaya nating mag-unite as a nation and be proud again to be Filipino.
"Magkaisaph.com will be the home base of whatever events that we will have in the future. On October 16 at 8 p.m., we will launch the song 'Lukso ng Dugo.'
"It will begin with a countdown on October 6. It’s a ten day countdown."
Umaasa si Epy na tumugon ang mga kapwa Pilipino sa panawagan ng kanyang grupo.
"This is really a call for every Filipino to join this movement and say I want peace for the Philippines.
"This is about the collaboration of everyone involved. It’s ours, it’s not mine. Nobody owns it but us."
BENEFICIARY OF PROCEEDS FROM "LUKSO NG DUGO"
Ayon pa kay Epy, ang anumang proceeds ng kantang "Lukso ng Dugo" ay mapupunta sa Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation.
"Even the song, maski ako ang sumulat niyan, nobody owns it but the Filipino people.
"This is song na hindi namin pagkakaperahan. Kung anuman ang kikitain ng kantang ito, it will be donated directly, transparently, to Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.
"Magpapaaral tayo ng mga bata dahil ang thrust talaga ng Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation is magpapaaral tayo sa war-torn Mindanao ng mga bata."
Si Epy ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Walang social media account si Epy dahil hindi siya pabor sa culture of hate na laganap sa panahon ng modern technology, at dahil pinili niyang mamuhay nang mapayapa.