PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Thyro Alfaro connected to Jessica Alfaro?

Thyro Alfaro, naglunsad ng unang extended play album.
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2021
Ayon sa singer-songwriter na si Thyro Alfaro, madalas na nagkakaproblema noon sa NBI clearance ang kanyang ina dahil kapangalan nito ang Vizconde massacre star witness na si Jessica Alfaro (not in photo). Si Alice Dixson (right) ang gumanap na Jessica sa biopic ng huli noong 1995.

Hindi pa isinisilang ang R&B singer-songwriter na si Thyro Alfaro nang mangyari ang Vizconde massacre—ang malagim na pagpaslang sa mag-iinang sina Estrellita, Maria Carmela, at Anna Marie Jennifer Vizconde—noong June 30, 1991.

Pero lumaki siyang madalas na tinatanong kung may kaugnayan ang kanyang pamilya kay Jessica Alfaro, ang star witness sa krimen na gumimbal sa buong bansa, tatlong dekada na ang nakalilipas.

Ipinanganak si Thyro noong September 14, 1991.

Halos apat na taon na siya nang lumantad si Jessica sa publiko para sabihin ang nalalaman nito tungkol sa Vizconde massacre.

Sikat at kontrobersiyal noon si Jessica kaya isinalin ng Viva Films sa pelikula ang kuwento ng kanyang buhay, ang The Jessica Alfaro Story, na pinagbidahan ni Alice Dixson at ipinalabas sa mga sinehan noong June 8, 1995.

Ito ang rekoleksyon ni Thyro tungkol kay Jessica Alfaro: "At four years old, hindi naman ako nanonood noon ng TV Patrol, pero talagang tinatanong ko, 'Sino ba ‘yon?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po kami related sa kanya, pero yung nanay ko, madalas nagkakaroon ng hit kasi may Jessica sa pangalan niya.

"Palagi hirap sa pagkuha ng NBI clearance ang nanay ko. Maraming nagtatanong. Noong bata pa ako, talagang tinatanong, 'Sino ba ‘yon?'"

Ni minsan, hindi pumasok sa kanyang isip na darating ang araw na magiging talent siya ng Viva Records, ang sister company ng Viva Films, ang prodyuser ng pelikula tungkol sa personalidad na si Jessica.

Tuluyan nang naglaho si Jessica na parang bula. Pero noong January 2011, may mga nagpatotoong tahimik na siyang naninirahan sa Canada.

Hindi naman sinasadyang may suot si Thyro na dark shades sa publicity photos para record label niya.

Wala kasi iyong ipinagkaiba kay Jessica, na nakilala noon sa kanyang trademark dark eyeglasses sa tuwing pumupunta sa korte para sa pagdinig sa kaso ng Vizconde massacre at kapag humaharap siya sa media.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THYRO'S OWN RECORD LABEL

Napag-usapan si Jessica nang ilunsad ni Thyro ang Bagong Buhay Volume 1, ang kanyang unang EP o Extended Play record sa ilalim ng sariling record label niya, ang Diwang.

Ang Viva big boss na si Vic del Rosario, Jr. ang naghikayat kay Thyro na itatag ang Diwang Records kaya kaliga na niya sina Kean Cipriano at Marion Aunor, ang may-ari ng OC Records at Wild Dream Records, respectively.

Lahad ni Thyro sa pagtatag niya ng Diwang: "Noong una, honestly, medyo natatakot akong gawin kasi sabi ko, ang laking responsibility to have other artists under you.

"Ang kapalaran nila is in your palm. Medyo na-pressure at nag-alangan ako noong una. Pero sabi ko, ang gusto lang naman, yung aking tunog, so I‘ll work on what I could offer.

"Basta ang importante sa akin is yung aking creative control is nandoon."

AIMING FOR COLLABORATIVE WORKS

Bakit Diwang ang napili mong pangalan at ano ang pagkakaiba nito sa ibang mga record label?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Thyro: "Diwang primarily because the vision is to make music a celebration or to celebrate music. So, kada-session, magdiriwang tayo with the music.

"We don’t know yet how different we can be because ako pa lang ang artist ng Diwang.

"Pero based on the vision, magiging different ang aking approach in writing and production because, really, the vision is collaboration.

"I want us to house songs that were produced abroad na talagang ten songwriters, although mahirap sa atin ‘yon. Siguro ili-limit ko lang to three to four songwriters working on one song."

Ano ang mga advantage at disadvantage ng pagkakaroon ng sariling record label?

Sagot uli ni Thyro, "Sa ngayon, wala pa akong nakikitang major disadvantage. Siguro challenge kasi pressure siya at nangangapa pa kami at this point.

"Mangangapa pa kung paano ba yung magandang flow. Yung advantage is since maliit nga kayo... Parang sa kotse, kapag maliit, mas madaling i-drive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa singer-songwriter na si Thyro Alfaro, madalas na nagkakaproblema noon sa NBI clearance ang kanyang ina dahil kapangalan nito ang Vizconde massacre star witness na si Jessica Alfaro (not in photo). Si Alice Dixson (right) ang gumanap na Jessica sa biopic ng huli noong 1995.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results