"Paparating Na Si Kuya, Mga Kapuso."
Ito ang caption sa teaser ad na inilabas ng GMA Public Affairs nitong Miyerkules ng hapon, September 29.
Kahit malabo ang mukha sa litratong ginamit, hindi maipagkakailang si Kim Atienza ang "Kuya" na tinutukoy ng news department ng GMA-7.
Kilala rin ang TV personality sa tawag na Kuya Kim.
Tuloy na tuloy ang paglipat ni Kim sa Kapuso Network.
Nakatakda siyang magpaalam sa TV Patrol sa darating na Biyernes, October 1, matapos ang halos labing-anim (16) na taon bilang Kapamilya ng ABS-CBN.
Mapapabilis ang pagdating ni Kim sa GMA-7 dahil simula sa Lunes, October 4, inaasahang mapapanood na siya sa 24 Oras, ang prime-time news program ng Kapuso Network.
Marami ang nag-aakalang siya ang bagong maghahatid ng lagay ng panahon sa 24 Oras, pero malamang na bagong segment ang ibibigay sa kanya.
Sa pagtuntong ni Kim sa bakuran ng GMA-7, marami ang nagtatanong kung magbabalik na rin sa naturang television network ang Maynila, ang Saturday morning drama anthology na pansamantalang inihinto noong nakaraang 2020 dahil sa coronavirus pandemic.
Hindi total stranger si Kim sa Kapuso Network dahil malalim ang relasyon ng kanyang pamilya sa GMA-7.
Ang pamilya ni Kim ang producer ng Maynila, na dalawampu’t dalawang (22) taong napanood sa Kapuso Network.
Kahit exclusive talent noon si Kim ng ABS-CBN, maganda ang samahan ng pamilya niya at ng Kapuso Network.
Ang kanyang ama na si Buhay Party-list Representative at former Manila City Mayor Lito Atienza ang host ng Maynila.
Naranasan din ng mga kapatid ni Kim na sina Ali at Chi Atienza-Valdepenas na maging mga host ng Maynila, na planong ibalik sa telebisyon kapag natapos na ang pandemya at normal na ang sitwasyon sa buong mundo.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.