Senador Bong Go, tatakbong bise-presidente; Pangulong Rodrigo Duterte, inanunsyo ang pagreretiro

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2021
Rodrigo Duterte, Bong Go
Umagaw ng atensyon sa pag-file ng certificate of candidacy ni Senador Bong Go kaninang hapon ang pag-announce ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagretiro nito sa pulitika.
PHOTO/S: Screenshot from Comelec Facebook Live

Tinanggihan ni Senador Christopher "Bong" Go noong August 30, 2021 ang nominasyon sa kanya ng political party na PDP-Laban bilang presidential candidate.

Pahayag ni Go, “As much as I wish to respond to the clamor of many of our partymates, I most respectfully decline the said endorsement. As I have said many times before, I am not interested in the presidency.”

Si President Rodrigo Duterte ang iniendorso ng PDP-Laban bilang vice-presidential candidate ng kanilang partido at tinanggap ito noon ng pangulo.

Ngayong Sabado nang hapon, October 2, si Duterte ang kasama ni Go nang magsadya ito sa Commission on Elections sa Sofitel Harbor Garden Tent, Pasay City, para maghain ng kanyang certificate of candidacy.

Intensyon ni Go na kumandidato na bise-presidente ng Pilipinas sa eleksyon sa May 9, 2022.

Mabilis na kumalat ang balita na magkasamang darating sina Duterte at Go sa Sofitel Harbor Garden Tent dahil sa naunang pagdating ng mga miyembro ng Presidential Security Group.

Continue reading below ↓

Matapos maghain ni Go ng certificate of candidacy, umakyat sila ni Duterte sa entablado para magsalita.

“Given that President Rodrigo Duterte decided to withdraw his acceptance of the nomination, I am here to take on the challenge as the PDP’s vice-presidential candidate.

“Napagdesisyunan kong tumakbo bilang bise-presidente sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang magagandang programa at tunay na pagbabagong naumpisahan ni Pangulong Duterte at sisikapin nating dagdagan pa ang mga ito,” ang bahagi ng pahayag ni Go.

Suportado ni Duterte ang pagkandidato ni Go bilang bise-presidente ng bansa pero ang kanyang announcement tungkol sa pagreretiro niya sa pulitika ang naging sentro ng atensyon sa paghahain ni Go ng kandidatura.

“The universal sentiment of the Filipino as reflected in the different surveys, in many forums, caucuses, and meetings to discuss what I should do in my life.

“The overwhelming sentiment of the Filipino is that I am not qualified and it would be a violation of the Constitution to circumvent the law, the spirit of constitution.

Continue reading below ↓

“And so, in obedience to the will of the people, who after all placed me in the presidency many years ago, I now say, sa mga kababayan ko, sundin ko ang gusto n’yo.

“Today, I announce my retirement from politics. Salamat po sa inyong lahat,” ang sabi ni Duterte na ikinalungkot ng mga loyalista niya pero hindi sineryoso ng kanyang mga kritiko.

Hindi kasi makakalimutan ng mga ito ang paulit-ulit na pagbabanta noon ng pangulo na magbibitiw ito sa tungkulin pero hindi naman nangyari.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umagaw ng atensyon sa pag-file ng certificate of candidacy ni Senador Bong Go kaninang hapon ang pag-announce ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagretiro nito sa pulitika.
PHOTO/S: Screenshot from Comelec Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results