Ariella Arida, nagulat sa mga pinagawa sa kanya ni Direk Darryl Yap sa Sarap Mong Patayin

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2021
Kit Thompson and Ariella Arida in Sarap Mong Patayin.
Nagulat daw si Ariella Arida sa pinagagawa sa kanya ni Direk Darryl Yap kay Kit Thompson.
PHOTO/S: Screenshot from Sarap Mong Patayin

Hindi lamang ang pakikipaghalikan sa comedian na si Lassy Marquez ang ipinagawa kay Ariella Arida ng direktor na si Darryl Yap dahil matindi rin ang eksena ng dating beauty queen at ni Kit Thompson.

Si Yap ang direktor ng Sarap Mong Patayin, ang "sexy-psychomedy" movie na biggest break ni Ariella mula nang pumasok ito sa entertainment industry noong 2016.

Sinadya ni Yap na huwag sabihin sa mga artista ng kanyang pelikula ang mga eksena na kukunan na ikinagulat nang husto nina Lassy, Kit, at Ariella.

Kung ikinabigla ni Lassy ang kissing scene nila ni Ariella, nagulat naman ang Miss Universe-Philippines 2013 nang utusan siya ni Yap na kainin ang baba ni Kit.

Hindi rin makakalimutan ni Ariella ang pagdura ni Kit sa kanyang palad dahil kailangan ito sa eksena nila sa loob ng sasakyan.

“Gulat silang lahat. Sa totoo lang, kakaiba ang lahat ng mga eksena sa Sarap Mong Patayin,” sabi ni Yap sa Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala silang alam sa mga eksena until the shoot. Ambushed talaga [ang mga eksena],” dagdag na kuwento ni Yap tungkol sa mga brutal na eksena na ipinagawa niya sa lead stars ng kanyang upcoming movie.

Kahit matitindi ang mga eksena nila, nagpapasalamat si Ariella kay Yap at sa kanyang mga co-star dahil naging magaan ang trabaho niya.

“First time ko sila lahat nakatrabaho, si Direk Darryl, lahat ng mga nakasama ko, ang gaan nila kasama. Yun ang nagpa-at ease sa akin sa set kahit mabigat yung ginagawa naming eksena.

“So after gawin yung mga eksena, nagtatawanan na lang kami,” kuwento pa ni Ariella tungkol sa kanyang “baptism of fire" sa pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat daw si Ariella Arida sa pinagagawa sa kanya ni Direk Darryl Yap kay Kit Thompson.
PHOTO/S: Screenshot from Sarap Mong Patayin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results